Hirit ni Ramon ‘Jun’ Magsaysay Jr. Ni Liza Soriano HINDI isyu ang edad para ituloy ang pagbibigay serbisyo sa bayan. Ito ang mariing sinabi ni dating Senador Ramon Magsaysay, Jr., na isa sa mga mamanukin sa pagkasenador ni Pangulong Aquino at ng Liberal Party para sa darating na 2013 midterm elections. Iginiit ng dating senador […]
NANATILING simple sa kabila ng nakasisilaw na ilaw ng showbiz. Marami nga ang naglalarawan sa kanya na isang “child-woman” na walang kaere-ere sa katawan kahit hindi na biro ang kanyang narating sa piniling sining. Bilang isang kaibigan, lagi niyang sinisiguro na maglalaan siya ng oras para maramdaman siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Napatunayan na ng […]
MALAKING problema ang idinulog sa atin ng isang reader ng Ibandera ang Batas. Problema ni Erca ngayon ang kanyang kapatid na ipinaampon ng kanyang ina sa kanilang kamag-anak. At ngayon ay binabawi ng mga nag-ampon ang pangalan na ibinigay nila sa kanyang kapatid. Heto ang text message ni Erca: “Good morning, attorney. Nung ipinanganak po […]
ISANG bagito sa pagmomotor ang nag-text sa atin mula sa General Santos City. Posibleng bata ang bagong rider at nakatira sa subdibisyon (kulang ang mga impormasyong ibinigay sa kanyang text message sa Motorista, ang regular Motor page ng Bandera). Ang tanong ng ating texter ay tungkol sa helmet bilang protective geat at ang ICC sticker. […]
Ni Leifbilly Begas BUO ang paniniwala ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada III na kailangan ang isinusulong niyang Freedom of Information bill sa Kongreso para mapaibayo ang kampanya para sa transparency sa ilalim ng gobyernong Aquino. Ayon kay Tañada naniniwala siya na kailangan ang FOI para maipagpatuloy ang tuwid na daan sa pamahalaan kahit pa […]
Ni Julie Bonifacio SUPER honored si Iza Calzado sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa espesyal na episode na ginawa niya para sa “Maalaala Mo Kaya” na napanood kagabi. Hindi nga raw niya maintindihan kung bakit nabigyan siya ng ganitong treatment ng mga ehekutibo ng “Maalaala Mo Kaya.” This is the […]
Ni Leifbilly Begas WALANG problema kay Joel Villanueva, director general ng Technical Education and Skills, kung tawagin siyang epal dahil sa kanyang mga tarpaulin at billboard na naglipana sa paligid. Sa interbyu sa kanya ng Bandera, mariing sinabi ni Villanueva na malinis ang kanyang konsensiya. Aniya, walang pondo ng gobyerno na ginastos para sa mga […]
NAGDADAGSAAN pa rin ang mga tanong na may kaugnayan sa baha at kabilang na riyan ang ilang texter na nasalanta ng bagyo at habagat nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa texter na si Louis na may number na ….4044, ang scooter ay hindi ginawa para lumusong sa baha, kahit pa sabihin na kasing taas lamang […]
Ni Julie Bonifacio REUNION nina Cesar Montano at director RD Alba ang latest movie ng aktor na “Biktima.” Nagkasama sina Cesar at direk RD sa pelikulang “Panaghoy Sa Suba” noong 2004 na humakot noon ng maraming awards. In that film, si Cesar ang director habang associate producer naman si RD. Kapareha ni Cesar sa “Biktima” […]
Ni Leifbilly Begas SI Michel de Nostredame, o mas kilala bilang Nostradamus, ay isang French apothecary na sumikat dahil sa kanyang mga nailathalang hula na nagkatotoo umano. Ang kanyang librong Les Propheties (The Prophecies) ay inilathala noong 1555. Nakaakit sa atensyon ng publiko ang kanyang mga isinulat na limate Ang ikalawa niyang libro ay inilathala […]