TATLONG pares, sinong pipiliin? MAY 25 araw na lang bago ang deadline ng pagpa-file ng certificate of candidacy. Tatlong pares na ang namumuo: Grace Poe-Chiz Escudero ng Partido Pilipinas; Jejomar Binay at Bongbong Marcos ng UNA; Mar Roxas at ang nililigawan niyang si Leni Robredo ng Liberal Party. Nawala sa eksena si Sen. Alan Cayetano […]
SIMULA ngayon, todo higpit ang PNP-HPG sa kahabaan ng 23.8 kilometrong EDSA mula Caloocan hanggang Pasay na noon ang tawag ay Highway 54 o kaya ay C-4. Todo higpit na rin sa mga motorista at ipatutupad ang “yellow lane” para sa mga Metro at provincial buses samantalang ang mga cargo trucks ay bawal sa Edsa […]
SIYAM na buwan bago umalis sa pwesto, i- naprubahan ni Pangulong Aquino ang bagong public-private partnership (PPP): LRT6 (P64.7B) , LRT4 (P42.89B) , LRT2 (west extension-P10.11B) para sa Cavite Rizal, at Maynila. Ang LRT6 ay extension ng LRT1 na may habang 19 kilometro at dadaan sa kahabaan ng Aguinaldo highway mula Bacoor hanggang Dasmariñas, Cavite. […]
MALAKI ang implika- syon ng nangyayaring kilos protesta ng Iglesia ni Cristo sa bansa lalo na sa pagpapalit ng liderato sa May 2016. Napansin ba ninyong maraming pulitiko ang ingat na magsalita rito? Kahit Malacanang ay nagmumukhang “bading” sa mga nangyayari. Sabi nga, kapag militante ang nagra-rally, nagmamadaling mamuwersa, pero pag INC, wala lang. Siyempre, […]
MATAPOS ang higit isang taong hospital arrest sa Kampo Crame dahil sa kasong plunder at graft, babalik trabaho ngayong umaga sa Senado si Juan Ponce Enrile. Marami ang nag-aabang kung ano ang una niyang gagawin. Tatayo ba siya para mag-privilege speech o mananahimik na lang hanggang sa Mayo 2016? Ikukwento ba niya ang kanyang bersyon […]
KAPAG rush hour sa hapon at gabi, hindi lamang dalawa kundi tatlong oras ka pang aabutin mula Buendia Avenue papuntang North Edsa sa Quezon City. Sa umaga naman ganoon din, mula Quezon Avenue hanggang sa Pasay City, gapang ang mga sasakyan. Meron bang ginagawa ang MMDA? Sa nakalipas bang limang taon ay meron bang aksyon […]
NAGSIMULA ang usapan nang hindi banggitin ni Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address ang SAF 44. Bagay namang ginamit nang husto ni Vice President Binay sa kanyang TSONA. Sinaluduhan pa ni Binay ang mga namatay na pulis sa kontrobersyal na “8×26 feet Tagaligtas mural” na dating nakalagay sa pader ng Camp Mariano […]
ANG pag-endorso ni Pangulong Aquino kay Interior Sec. Mar Roxas noong Biyernes ay nagpainit lalo sa usapang pulitika. Nagkaroon kaagad ng mga reaksyon mula kina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay, pero tahimik pa rin ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Lumalakas na rin ang pahiwatig na seryoso na itong kampo […]
“LIMANG taon na ang nakalipas, dumating kami noon, at kami’y paalis na ngayon.” “Maraming salamat sa inyong lahat at paalam.” Ito’y mga bahagi ng huling State of the Nation Address ng yumaong Pangulong Corazon Aquino noong 1991 kung saan kinwento niya ang “up and down” na ekonommiya ng bansa noon na binuwisit ng kabi-kabilang kudeta, […]
MISMONG crime statistics ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management ang nagsasabi na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taong ay halos dumoble ang itinaas ng bilang ng krimen sa bansa kumpara noong 2014. Umakyat ng 46.6 porsyento ang itinaas ng mga krimen o 885,445 ang naitalang krimen sa unang anim na buwan kumpara sa […]
ILANG beses na bang nangyari na umalis ng bahay ang mga estudyante kahit umuulan tapos ay uuwi lamang dahil suspindido na pala ang mga klase? Paulit-ulit na lamang. Nitong Martes, Hulyo 8, ganito na naman ang nangyari. Walang storm signal na ipinalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa) sa kanilang alas-5 ng […]