KABADO ang ilang nakapaligid sa isang kilalang gambling lord dahil sa kanyang ginawang pang-aagaw sa misis ng isang maimpluwensiyang negosyante. Lantaran na kasi kung magpakita sa publiko si gambling lord at ang misis ni businessman na isa ring kilalang aktres. Kung dati ay sa abroad sila madalas magdate, lalo na sa Macao kung saan ay […]
HINDI mapigil ng isang government official ang pagiging adik sa selfie. Bago mag-Semana Santa ay naging abala siya sa mga gawain ng isang non-government organization na kanya ring pinamamahalaan. Nag-imbita ng mga miyembro ng media, kanyang ipina-cover ang pagpapasan nila ng krus bilang bahagi umano ng kanilang paglaban sa mga kaaway ng lipunan. Bagaman malaki […]
DAHIL panahon ngayon ng pagtitika kaya naman nauna nang nagsisi sa ilan sa kanyang mga kasalanan ang isang kontrobersiyal na mambabatas. Mismong ang ilan sa kanyang mga madadaldal na staff ang kumumpirma na nakikipag-ayos si Mr. Politician sa isang dating pulitiko na siniraan niya noong panahon ng halalan. Strong contender pa naman sana si Sir […]
MARAMI ang nakakapansin sa kasipagan ng isang bagitong kongresista na mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila. Bukod sa pagiging palangiti ay kapansin-pansin ang pagiging tapat nito sa kanyang tungkulin bilang mambabatas. Hindi siya pala-absent at talagang pinag-aaralan ang mga dokumento sa kanyang mesa hindi tulad ng ibang mambabatas na puro porma lang lalo […]
NAPURNADA ang ilang mga proyekto ng isang babaeng appointee ng Pangulo dahil hindi raw ibinigay ang pondo ng kanyang tanggapan. Paano naman ibibigay ang ekstrang pondo samantalang patuloy ang kanyang paninira sa liderato ng ahensya na mismong pinaglilingkuran niya. Sa ngayon ay sweldo lamang niya bilang isang opisyal ng ahensya ang kanyang nakukuha at sweldo […]
SINABON ng isang government official ang kanyang mga staff makaraang sumablay ang mga ito na mai-Facebook live ang isa sa kanyang mga speaking engagement. Kilalang adik sa social media ang opisyal na ito ng gobyerno kung saan pati ang simpleng pagkain sa restaurant ay kinukunan pa niya ng mga litrato at saka i-popost sa kanyang […]
DISMAYADO ang mga constituents ng isang super rich na mayor sa Central Luzon dahil wala rin daw itong ipinagkaiba sa dating alkalde na kanyang pinalitan. Wala raw malasakit si mayor dahil mas gusto niyang mahirapan ang mga commuter sa kanilang lungsod sa ngalan ng negosyo o kaya naman ay dahil sa maling bulong ng mga […]
IBANG-iba ngayon ang ipinakikitang imahe ng isang dating mediaman na naging pulitiko rin sa nakalipas na mga taon. Para siyang galit sa mundo ayon sa aking Cricket lalo na nung ipakita nya sa akin ang mga latest tweets ng bida sa ating kwento ngayong araw. Masyado siyang aktibo sa social media at mistulan siyang berdugo […]
MASAMA ang loob pero gustong bumalik sa administrasyon ng isang sinibak na opisyal ng isang government owned and controlled corporation. Target ng dating opisyal na ito ang pwesto bilang Department of Tourism secretary na umano’y swak sa kanyang portfolio. ‘Yun ay base naman sa kanyang paniniwala sa kanyang sarili. Kamakailan lang ay naging laman siya […]
AMINADO ang isa na rin ngayong sikat na abogado, na isang bulletproof na Sports Utility Vehicle (SUV) ang kanyang ginagamit sa kasalukuyan. Kaliwa’t kanan daw kasi ang mga banta sa kanyang buhay kaya dagdag na pag-iingat ang kailangan. Paano nga naman siyang hindi pag-iinitan gayung siya ang nasa likod ng pagpapatalsik sa isang mataas na […]
HABANG nagkakagulo ang oposisyon at ang administrasyon sa iba’t ibang mga isyu ay tahimik lamang na nagmamasid ang isang mambabatas. Pinakikiramdaman niya ang galaw ng publiko kung saang kampo aayon ang mga isyu. Gamit ang traditional at online media ay nagagawa niyang sumakay sa iba’t ibang usapin para manatili siyang nakaukit sa isip ng publiko. […]