HINDI mapigil ng isang government official ang pagiging adik sa selfie.
Bago mag-Semana Santa ay naging abala siya sa mga gawain ng isang non-government organization na kanya ring pinamamahalaan.
Nag-imbita ng mga miyembro ng media, kanyang ipina-cover ang pagpapasan nila ng krus bilang bahagi umano ng kanilang paglaban sa mga kaaway ng lipunan.
Bagaman
malaki ang kanyang katawan ay may iniinda itong sakit, ayon sa ating cricket kaya madali siyang hinihingal at napapagod.
Ang sumunod na eksena sa kanyang FB account ay kuha na sa lobby ng isang malaking ospital.
Na-confine si Sir dahil sa sobrang pagod sa kanyang mga gimik sa katawan.
Pero hindi ito naging dahilan para hindi siya maging aktibo sa pag-upload ng kanyang mga selfies at groupies sa FB.
May mga kuha siya habang kinukunan ng blood pressure, blood sugar hanggang sa kanyang pagtulog.
Hindi mawawala syempre ang eksena ng pagpirma niya ng mga official documents kahit nasa hospital bed siya.
In fairness kay Sir, masipag naman talaga siya kaya minsan ay wala sa lugar ang kanyang mga pinaggagawa tulad nang madalas na biyahe sa iba’t ibang panig ng bansa na pag-aaksaya lang sa pondo ng bayan samantalang may mga provincial offices naman ang kanilang kagawaran.
Para siyan si Kris Aquino na lahat na lang yata nang ganap sa buhay, pati pag-checkup sa doktor, pag-blood pressure, pagpapa-lab test, kailangan ilagay sa social media.
Ang bida sa ating kwento ngayong araw na laging laman ng FB ang mga selfie ay si Mr. M…as in Martilyo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.