NAGPOSITIBO sa droga ang driver ng Valisno bus na ikinamatay ng apat na pasahero.
Ito’y matapos isailalim sa drug test ang driver ng Valisno bus na si George Pacis.
Si Pacis ang driver ng Valisno bus na biyaheng San Jose del Monte City at may plaka na TXV 715. Bumangga ang bus na minamaneho ni Pacis sa isang marker sa hangganan ng Quezon City at Caloocan City ganap na alas-7:20 ng umaga noong Miyerkules.
Naaresto si Pacis noong Miyerkules ng hapon sa Balagtas, Bulacan.
Ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang preventive suspension ng 62 bus ng Valisno bus matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.