San Beda tatangkaing makisalo sa liderato | Bandera

San Beda tatangkaing makisalo sa liderato

Mike Lee - August 13, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m.  EAC vs Lyceum
4 p.m.  San Beda vs San Sebastian
Team Standings: Letran (7-1); San Beda (6-1); Perpetual (6-2); JRU (5-3); Arellano (4-3); Mapua (4-4); EAC (2-6); St. Benilde (2-6); San Sebastian (2-6); Lyceum (1-7)

PAGKAKATAON na makasalo uli sa liderato ang sasamantalahin ng San Beda habang magsisikap ang Emilio Aguinaldo College na makabangon matapos matalo sa huling laro sa 91st NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng five-time defending champion Red Lions ang San Sebastian sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon at ikapitong panalo sa walong laro ang kanilang puntirya para pumantay sa unang puwesto na tangan ng Letran Knights.

“Every game is a new learning experience for us. San Sebastian is expected to give us a new challenge and we just have to face it and be ready,” wika ni Red Lions coach Jamike Jarin.

Kasalo ang Stags sa three-way tie sa ikapito hanggang ikasiyam na puwesto sa 2-6 baraha ngunit hindi puwedeng isantabi ang kakayahan nilang makasilat lalo pa’t galing sila sa 77-70 panalo sa Lyceum noong nakaraang Biyernes.

Si Michael Calisaan na gumawa ng career-high 35 puntos ay makikipagtulungan uli kina Ryan Costelo, Bryan Guinto at Jamil Ortuoste para maigupo ang malakas na puwersa ng San Beda sa pangunguna nina Ola Adeogun at Arthur dela Cruz.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa hanay ng Generals at Lyceum at babangon ang EAC matapos magwakas ang dalawang dikit na panalo nang pataubin ng University of Perpetual Help Altas, 68-55, noong Martes para sa 2-6 karta.

Kailangang magtrabaho uli nang husto ang mga sinasandalan ni EAC coach Andy De Guzman na sina Francis Munsayac at import Laminou Hamadou dahil ang Pirates ang magnanais na huwag mabaon pa sa huling puwesto na okupado nila sa 1-7 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending