Lovi: Never kong naisip pumasok sa politika! | Bandera

Lovi: Never kong naisip pumasok sa politika!

Ervin Santiago - August 11, 2015 - 02:00 AM

lovi poe

“NEVER kong nakita ang sarili ko sa politika!” Ito ang mariing tugon ng award-winning Kapuso actress na si Lovi Poe nang matanong kung nais din niyang sundan ang yapak ng kanyang half-sister na si Sen. Grace Poe.

Maingay na maingay ngayon ang pangalan ni Sen. Poe dahil sa pagiging number one lagi sa survey ng mga posibleng tumakbong presidente sa 2016 elections.

Kaya naman isa sa naitanong ng press kay Lovi kamakailan ay kung nakikita rin niya ang sarili sa public service. “Hindi ko nakikita ang sarili ko (sa politika).

Siguro kasi, parang iba talaga ang gusto ko. I’m more of an artist,” sabi ng isa sa mga lead stars ng GMA Telebabad series na Beautiful Strangers na nagsimula na noong Lunes.

Dugtong pa ni Lovi, “Ako, I’m just enjoying where I am now. Ito naman ang matagal ko nang pangarap kaya ine-enjoy ko lang siya.”

Nauna rito, sinabi ng girlfriend ni Rocco Nacino na handa siyang sumuporta kay Grace kapag tumakbo itong pangulo sa 2016, “Kung anuman ang gustong gawin ni ate Grace, of course, I’m just here to support her.

I’m so happy for her, kasi ang daming naniniwala sa kanya.” Hindi pa rin nagdedeklara ang senadora kung tatakbo ba siya o hindi pero kung si Lovi ang tatanungin, panahon na ba para lumaban sa presidential elections ang kapatid? “Hard for me to say.

I think naman… I’m not being biased or anything, but I think she really is mabuting tao, matalino, may puso, so why not?”

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng Movie Queen na si Susan Roces tungkol sa pagtakbong pangulo ng kanyang anak at sa iba pang kontrobersya na hinaharap ngayon ng senadora.

Laging matamis na ngiti lang ang kanyang isinasagot kapag natatanong ng mga reporter tungkol kay Sen. Poe. Ayon naman kay Grace inaasahan na niyang hindi magko-comment ang kanyang ina patungkol sa politika, lalo na’t siya ang involved.

Alam raw ng biyuda ni FPJ ang kanyang lugar at higit sa lahat, confident ito na kayang-kaya ng kanyang anak na harapin ang mga pagsubok.

Lagi lang daw siyang aalay sa anak para suportahan ang kanyang mga desisyon. “Kilala n’yo naman po ang nanay ko. Hindi yan talaga magsasalita.

Pero sa aming dalawa lang, palagi niyang sinasabi yung tatlong bilin niya,” ang naaalala naming chika ni Grace sa isang interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una, huwag na huwag daw sasayangin ng senadora ang magandang pagpapalaki sa kanya ng aktres at ama nitong si FPJ. Tagubilin din daw ng movie queen na maghanda at mag-aral ng mabuti para malaman ang totoong kalagayan ng mga kababayan.

Dapat din daw ay sensitibo siya at bukas ang mga mata kung paano tutugunan ang pangangailangan ng iba. Ang ikatlo, kailangan daw tatagan ng senadora ang kanyang loob lalo na kapag mas tumindi pa ang mga pambabatikos sa kanya ng kanyang detractors.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending