Sey ng fans: May ‘forever’ para kina Dennis at Jennylyn | Bandera

Sey ng fans: May ‘forever’ para kina Dennis at Jennylyn

Ervin Santiago - August 11, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

Sa ikalawang episode naman ng My Faithful Husband sa GMA Telebabad starring Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, narito ang inyong mapapanood ngayong gabi: Masaya si Emman na tila nasagot na ang kaniyang hiling na mahanap ang taong magmamahal sa kaniya – sa katauhan ni Melanie.

Haharap naman si Melanie sa mga patutsada at parinig ng inang si Carmen (Rio Locsin) dahil hindi ito umuwi the night before.

To make matters worse, ibibigay ni Mylene (Louise delos Reyes) kay Melanie ang mga sulat niya sa nobyo na ibinalik ng post office.

Babalikan naman ni Mel ang nakaraan nila ni Dean (Mikael Daez). Kung paano nagsimula ang kanilang relasyon, at ang kanilang matamis na unang halik – at ang kanilang unang pagtatalik.

Hanggang sa malaman ni Melanie na may ibang girlfriend si Dean – anak ng isang mayamang sponsor na nag-iisip ipadala siya sa US. Maeetsepuwera si Melanie mula sa buhay ni Dean.

Ilalabas ni Melanie ang lahat ng pighati niya sa mga sulat na ibinalik ng post office – pupunit-punitin niya ang mga ito.

Samantala, marami naman ang natuwa sa pagbabalik-primetime nina Jen at Dennis, sa social media, halos lahat ng kanilang supporters ay nagsabing sana raw ay sila na talaga ang magkatuluyan sa huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending