Elizabeth Ramsey naniningil nang malaki bago magpainterbyu sa TV | Bandera

Elizabeth Ramsey naniningil nang malaki bago magpainterbyu sa TV

Jobert Sucaldito - August 11, 2015 - 02:00 AM

elizabeth ramsey

LAST Thursday pa isinugod si Mama Elizabeth Ramsey sa ICU ng Philippine Heart Center dahil nag-shoot-up ang blood sugar niya sa 500 at nagkaroon ng seizure.

Natakot kami siyempre dahil alam naman nating lahat that she is not young anymore and anything that involves her health ay medyo delikado na rin.

“Nag-aayos na kami that lunchtime dahil meron kaming lakad ni Mama. Nagbibihis siya while I was taking a bath. Bigla na lang sumigaw si Nonoy (pamangkin ni Mama Beth) dahil hindi raw makahinga si Mama kaya dali-dali ko siyang pinasok sa room niya.

Parang na-mild stroke kaya binuhat ko siya at dinala sa sala para mahanginan. “Then dinala na namin siya sa Malvar Hospital para patingnan.

Three hours bago dumating ang neurologist nila and by then ay wala na siyang seizure. Kumuha kami ng ambulansiya para dalhin si Mama sa Heart Center at ipinasok agad siya sa ICU.

Kinabahan talaga kami kasi nga hindi nagre-respond si Mama sa mga tanong namin. May times na nagigising siya pero hindi siya nakakakilala.

We need prayers,” sabi ng pamangkin niyang si Edwina na kasama niya sa bahay. Friday ko nakausap si Edwina and of course, naka-monitor lang kami sa developments about Mama Beth.

Pero last Saturday nakakapagsalita na raw si Mama Beth though mahina pa ito. I spoke to her daughter Jaya over the phone and she said, so far she is better than that dreadful day.

Nakakaloka! “Medyo okay na si Mama pero hindi pa siya puwedeng gumalaw nang gumalaw. Mahina pa siya. Matatagalan pa siguro bago siya makapag-perform.

She needs to rest pa for a while,” ani Jaya na medyo nabunutan ng tinik. Alam niyo naman kung gaano namin kamahal si Mama Beth, para na rin namin siyang nanay.

Mahal na mahal niya kami and modesty aside, kami ni Papa Ahwel Paz (my partner sa ‘Mismo’ ng DZMM) ang pinakapaborito niyang dalawing show.

Sa amin lang siya no-holds-barred sa kung anik-anik na kuwento ng buhay niya. She would bring us food minsan and two of her favorite foods na dinadala sa amin ay ang bopis and macaroni salad which she cooks best.

“Dito lang ako komportableng magkuwento tungkol sa buhay ko. Maraming TV shows ang gusto akong interbyuhin tungkol sa nakaraan kong lovelife at sex life pero nunca ko silang pinagbigyan.

Kasi nga, matanda na ako para halukayin pa nila ang pagkatao ko. “Ang ginagawa ko, tuwing ini-invite nila ako sinisingil ko sila ng presyong paayaw para hindi nila ako kukunin for interview.

Kung kantahan ang imbitasyon okay lang pero kung interview ng buhay ko, sa inyo lang ako may tiwala kahit walang bayad. Ha-hahaha!” sabi niya sa amin.

Sa show namin ay palaging kinukuwento ni Mama Beth ang lahat ng mga magaganda at masasayang anekdota ng buhay niya. Kulang ang isang oras ng programa pag siya ang special guest.

We feel so honored na mahal kami ni Mama Elizabeth Ramsey. We just love her the same way ng pagmamahal niya sa amin. Or even more pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang dasal namin ay bumuti na nang tuluyan ang kundisyon ni Mama Beth dahil marami pa kaming raket na gagawin in the near future. And maybe very soon, pag magaling na siya,

I will put up a very special show for her -–a show that she can call her won. Labyu, Mama Beth.Pagaling ka ha. Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending