Erap di pa sigurado kung sino kina Grace Poe at Jojo Binay ang iboboto sa 2016 elections | Bandera

Erap di pa sigurado kung sino kina Grace Poe at Jojo Binay ang iboboto sa 2016 elections

Jobert Sucaldito - August 11, 2015 - 02:00 AM

erap estrada

Grooving-groovy pa rin si President Mayor Erap Estrada last Friday nang iharap siya sa amin ni Manay Ichu Maceda sa Sampaguita Gardens and Events Place.

Tamang-tama ang dating ko sa venue bandang 7:30 p.m. dahil sobrang gutom ako that time. Galing ako sa maghapong meetings last Friday and most of them ay sa Makati, isang lugar na ayoko talagang puntahan dala ng sobrang traffic.

Mabuti na lang at sobrang sarap ng food na inihanda ni Manay Ichu for the members of the entertainment media!

Pagdating ni President Mayor Erap, nakichika agad ito sa mga writers. He was in his best element to answer all the questions. Tinanong ko si Mayor Erap kung siya ba ay totoong tatakbo as president of this country next year at sinagot naman niya joyfully ang tanong.

“Hindi ako tatakbo for presidency next year. May commitment pa ako sa Manila for the next three years. Marami pang dapat gawin sa Manila.

Tsaka, hindi ko puwedeng kalabanin ang inaanak kong si Sen. Grace Poe and my kumpareng si Vice-President Jojo Binay.

Kung sino ang susuportahan ko, malalaman lang natin pag nalaman ko na ang plataporma nila para sa bayan,” malinaw na sagot ni Erap.

Mahirap din itong posisyon ni President Mayor, pareho kasing malapit sa puso niya ang dalawang major presidentiables nating ito kaya sana ay matanggap nila in the end kung sino ang kaniyang susuportahan without hard feelings, okey?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending