Gastos ng QC sa basura mahigit P1B
Tumawid na sa P1 bilyon ang gastos ng Quezon City government sa pagtatapon ng basura ng siyudad batay sa 2014 report ng Commission on Audit.
Ayon sa consolidated statement of income and expenses ng Quezon City government gumastos ito ng P1,014,195,457 noong nakaraang taon para sa pangongolekta ng basura at pinagtatapunan nito.
Nagkakahalaga ito ng P338.06 sa bawat isa sa 2 milyong residente.
Noong 2013 ang ginastos ng Quezon City government ay P994.59 milyon at P903.71 milyon noong 2012.
Malayo ang ginagastos ng Quezon City sa Maynila na ikalawa sa listahan noong 2013 na umaabot sa P512.564 milyon.
Sa kaparehong taon ang Makati City ay gumastos ng P440.157 milyon.
Noong Disyembre 2013 ay ipinatupad ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Ordinance No. 2235 kung saan ang bawat pamilya ay magbabayad ng garbage fee na nagkakahalaga ng P100 hanggang P500 depende sa laki ng kanilang ari-arian.
Ipinahinto naman ito ng Korte Suprema noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.