Pelikula nina Alden at Jasmine ibinasura na dahil kay Yaya Dub
HOW true na hindi na raw matutuloy ang movie ni Alden Richards kasama si Jasmine Curtis?
Napagpasyahan na raw ng APT Entertainment na i-shelve muna ang project dahil mas uunahin na nila ang AlDub movie featuring Alden and the now popular Yaya Dub or Maine Mendoza.
The producer is cashing in on the popularity of the AlDub tandem that they are producing a movie para sa dalawang regular stars ng Eat Bulaga.
Should this be true, eh, parang lumalabas na kinawawa naman ang younger sister ni Anne Curtis. Porke ba sikat na sikat ngayon ang AlDub ay biglang etsapuwera na ngayon ang beauty ni Jasmine?
Anyway, big gamble pa rin kung itutuloy ang AlDub movie kasi hindi pa rin naman napapatunayan ang box-office prowess ng dalawa.
Yes, click na click sila sa noontime show pero kung iisipin iyon ay dahil free ang panonood sa TV. Iba siyempre ang scenario kung magbabayad na ang fans.
Masyadong bilib ang producer kay Alden kaya hindi lang ang movie with Yaya Dub ang ikinasa para sa binata. Biglang isasama na rin siya sa movie nina Vic Sotto at Ai Ai na intended for the Metro Manila Film Festival.
Ang feeling nila ay makakahatak ng napakaraming manonood si Alden. Pero hindi ba nila naisip na parang hindi pa sapat ang Vic-Ai Ai tandem at kailangan pa nilang lagyan ito ng isang Alden Richards para may panghatak.
If the movie becomes a monster hit, hindi masosolo nina Ai Ai at Vic ang credit dahil baka may magsabing nanood lang sila dahil kay Alden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.