Megan Young pumayag mag-wet look sa Marimar
ASAHAN daw na maraming “wet look” scenes si Miss World 2013 Megan Young sa bagong version ng Mexicanovelang Marimar.
Ayon sa Kapuso beauty queen-actress, bilang isang probinsiyana na lumaki sa tabing-dagat, marami siyang eksena na lumalangoy at nagda-dive suot ang kanyang manipis at puting damit.
Inamin ni Megan na talagang pinaghandaan niya ang Marimar, inaasahan na kasi niya ang mataas na expectation ng manonood dahil nga naging matagumpay noon ang Marimar ni Marian Rivera kung saan nakatambal nga nito ang mister na niya ngayong si Dingdong Dantes.
“This is definitely a great project to do. Dito sa Marimar talagang maipapakita ang character nating mga Filipina na handang humarap sa kahit anong pagsubok.
“Marimar is like any other Pinay who strive for the best. She’s a hardworker, gagawin niya ang lahat para makuha ang mga pangarap niya.
Ganoon din ako, kahit sinabi ng iba dati na baka matalo ako sa pageant…I put that aside kasi ito ang gusto ko. Manalo, matalo at least nagawa ko,” pahayag ni Megan nang makachika namin sa pocket presscon kahapong ng Marimar.
Dugtong pa niya, “Si Marimar ganoon din siya na kahit mag-fail siya, in the end she’ll make sure na ‘yung failure na ‘yun ay magiging encouragement sa kanya to strive for the better.”
Paano niya pinaghandaan ang bago niyang serye sa GMA, “Marami po kaming pinagdaraanan na workshops lalo na sa acting. Lalo na ako, inaamin ko rin na matagal na ako hindi nakakaarte sa TV since bago pa ako (sumali sa) Miss World.”
Para naman sa leading man ni Megan sa Marimar na si Tom Rodriguez, kailangang tapatan niya ang kaseksihan ng kanyang leading lady sa serye kaya naman todo na ang pagpapaganda niya ng katawan ngayon.
“I knew right away when I first heard about it that it was going to be a big project kaya wala talaga akong pinapalampas na oras for training.
Right now, I started boxing and doing circuit training,” chika ni Tom na gagampanan ang karakter ni Sergio.
Siyempre, pressure rin sa binata ang tagumpay ng Marimar noon nina Marian at Dingdong, “Nakaka-pressure pero at the same time I’m very excited because I know I’m going to learn a lot on this project.
Plus, Megan and I have a great working relationship kaya mas nakakabawas ng kaba. It would be a great and fun challenge to breathe new life to the character.”
Dagdag pa ng binata, “I’m excited ‘coz it’s an iconic role na very beloved not just by Mexican viewers but by Filipino viewers.”
Samantala, makakasama rin sa bagong version ng Marimar sina Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Lauren Young, at ang nagbabalik-Kapuso na si Alice Dixson.
Nandiyan din sina Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, Ina Raymundo, Ricardo Cepeda, Jaya (gagampanan ang iconic role ni Corazon), Cris Villanueva, Dion Ignacio, Frank Magalona, Ashley Cabrera at ang gay comedian na si Boobay na siyang magbibigay boses sa aso ni Marimar na si Fulgoso.
Ito ay sa direksiyon ni Dominic Zapata at mapapanood na simula sa Aug. 24 sa GMA Telebabad, kapalit ng Pari ‘Koy.
Ang sister ni Megan na si Lauren Young ang magiging kontrabida sa Marimar. Ayon sa ating Miss World, hindi siya ang nag-suggest sa GMA na kunin ang kanyang sister para apihin siya sa kanilang telenovela.
“Sila (mga bossing ng Siyete) ang nakaisip. Sabi nila, bagay na bagay daw kay Lauren yung role. Sabi ko nga, okay lang ba ‘yun? Kasi nga magkapatid kami in real life, tapos mapapanood na nag-aaway sa TV.
But then again, we believe na matatalino na ang viewers ngayon, alam naman nila kung ano ‘yung totoo at kung ano yung palabas lang,” esplika ng dalaga.
Hirit pa nito, “Si Lauren, sobrang talented niya. She’s a really great actress and she’s full of surprises. Hindi ko alam kung may balak ba siya na sabunutan ako, may balak na sampalin ako, itulak ako sa putik. Bahala na!”
First time yatang mangyayari na mag-sister ang magkalaban sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.