TINISOD ng Asia-Pacific champion Team Manila-Philippines ang USA Southeast champion Morganton-North Carolina, 5-1, para sa ikalawa nitong panalo kahapon sa 2015 World Series Girls Big League Championship sa Lower Sussex County, Delaware, USA.
Muling nagbida ang Cebuano pitcher na si Mary Ann Antolihao para itulak ang Team Manila sa panalo. Gumawa siya ng walong strikeouts at anim na no-run innings.
Pasok na sa semifinals ang Manila na nanalo rin sa unang laro nito kontra USA West champion Antelope Valley-California, 8-2.
Makakasagupa ngayon ng mga Pinay softbelles ang USA Central champion South Bend-Indiana para sa huling laro ng group stage.
Nagkampeon sa torneong ito ang Team Manila noong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.