Gusto ng hiwalayan ang ka-live in | Bandera

Gusto ng hiwalayan ang ka-live in

Joseph Greenfield - August 07, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Susan ng Bugo, Cagayan  de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Ang pakilala sa akin ng live-in partner ko ay binata siya kaya nakisama ako sa kanya sa iisang bubong hanggang sa magka-baby kami. Pero nito ko lang nalaman na may pamilya pala siya sa Maynila. Sa ngayon, bihira na siyang umuwi rito sa aming apartment kaya balak ko na siyang hiwalayan. Itatanong ko lang kung sakali kayang hihiwalayan ko na ang ka-live in kong ito ay makatatagpo pa kaya ako ng panghabangbuhay na relasyon kahit na may isang anak na ako sa pagkadalaga? Sana malaman ko ang future ko lalo na sa love life. May pag-asa pa ba akong lumigaya habangbuhay at magkaroon ng isang pamilya na matatawag kong sarili ko talaga? April 25, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Susan ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Magagawa mong hiwalayan ang ka-live-in mong may legal na asawa na pala at pamilyado na pala kung mag-aabroad ka. Ito ang nais ipagawa sa iyo ng malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung mag-aaplay ka lang sa ibayong dagat sa panahong ito ng iyong buhay, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2016— may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:

Sa sandaling nakalabas ka na ng bansa, ang mga barahang Five of Clubs, Two of Diamonds at King of Hearts (Illustration 1.), ang nagsasabing, “Sa malayong lugar makakatagpo ka ng true love na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.”
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending