Bistek isa sa pinagpipilian para maging bise-presidente ni Mar | Bandera

Bistek isa sa pinagpipilian para maging bise-presidente ni Mar

- August 07, 2015 - 03:00 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

NO appearance si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa press launch ng Quezon City Government at ng Quezon City Diamond Committee para sa play titled “MLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon, Isang Dula” noong Martes.

Ilang beses inayos ang schedule ni Mayor Bistek para ma-accommodate ang event at um-oo rin na magpapa-interbyu para sa TV and print media. But last minute, kinansela niya ang appointment sa press launch ng “MLQ: Ang Buhay Ni Manuel Luis Quezon” sa direksyon at playwright na si George de Jesus.

Bigla raw kasi nagpatawag ng meeting si Presidente Noynoy Aquino para sa Liberal Party kung saan kaanib si Mayor Bistek. Dahil diyan, kung anu-ano tuloy ang espekulasyon ang nabuo ng mga manunulat na naimbita sa naturang event.

Pagkatapos nga naman ma-declare si Sec. Mar Roxas bilang official candidate nila for Presidency sa darating na halalan sa 2016, malamang daw ay pagmimitingan ay kung sino ang pipiliin nila para naman sa Vice-President position.

Bongga kung si Mayor Bistek na nga ang mapipili ng LP para maging runningmate ni Sec. Roxas sa 2016 bilang pangabog sa tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.

Tutal naman may bulung-bulugan na pinu-push na si Mayor Bistek ni House of Representative head Cong. Sonny Belmonte na tumakbong Senador sa election 2016. Dahil ang tsika, nais daw patakbuhin ni Cong. Sonny ang kanyang anak na si Vice Mayor Joy Belmonte bilang Mayor naman ng Kyusi.

Kapag natuloy ang Mar-Tek tandem, for sure, with two hands pa na ikakampanya ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang mga pambato ng LP. Why not ‘di ba?

And remember, bukod kay Tetay nandiyan din si Ate Koring na susuportahan ang kanyang mister na si Sec. Mar. Mar-Tek plus Koring at Tetay, ang tindi, ‘di ba? Pero sabi nga ni Kris, kailangang “ligawan” uli siya ni Herbert bago niya ibigay dito ang kanyang matamis na boto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending