UST tinanggap si Krisel Mallari sa Accountancy program
PINAYAGAN na ng University of Santo Tomas (UST) na makapag-enroll si Krisel Mallari sa BS Accountancy program.
Sa isang panayam, sinabi ni Dean Patricia Empleo, ng UST Alfredo M. Velayo-College of Accountacy na kasalikuyan nang pinoproseso ni Mallari ang kanyang mga dokumento para sa enrollment.
Idinagdag ni Empleo na tinanggap ng mga legal adviser ng UST ang certificate of good moral character (GMC) na inisyu kay Mallari ng kanyang dating paaralang Sto. Niño Parish School in Quezon City at iba pang mga kinakailangang mga dokumento.
Inisyal na nakatakda sanang ma-enrol si Mallari noong Hulyo 31, ngunit kinailangan ng university council na pag-aralan ang isyu matapos lagyan ng tatak na “with reservation,” “under protest” at “with intent to assail the legality, validity and authority of the Court of Appeals” ang kanyang GMC na sertipikasyon. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.