4 sugatan matapos ang pagsabog sa isang kusina sa Dagupan
SUGATAN ang apat na katao matapos ang pagsabog sa loob ng isang bahay sa Barangay Lasip Grande, Dagupan City ngayong umaga.
Sinabi ni Dagupan City police chief Supt. Christopher Abrahano na nangyari ang pagsabog matapos gumamit ang residenteng si Aida Siapno ng isang “metallic object,” na pinaghihinalaang isang bala habang nagluluto gamit ang kalang de kahoy ganap na alas-9 ng umaga kahapon.
“We are not sure yet, but she must have used a .50 cal. bullet, which exploded due to the intense heat from the stove,” sabi Abrahano.
Idinagdag ni Abrahano na ang bala na may anim-na-pulgada ang haba ay ginagami sa mga machine gun.
“Those hit by the explosion suffered minor injuries and were taken to a local hospital,” dagdag ni Abrahano.
Ayon pa kay Abrahano, bukod sa kalan, nasira rin ang mga pader ng kusina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.