Pole vault legend dadalaw muli sa Pinas | Bandera

Pole vault legend dadalaw muli sa Pinas

Mike Lee - August 01, 2015 - 01:00 AM

SA pangalawang pagbisita ni Sergey Bubka sa Pilipinas ay siya naman ang aamot ng tulong mula sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).

Ang itinuturing na alamat sa pole vault ay darating sa Lunes upang makipagpulong kay Patafa president Philip Ella Juico upang maiparating ang kanyang mga plano sakaling palarin na manalo sa pampanguluan sa International Association of Athletics Federation (IAAF).

Sa Agosto 19 sa Beijing, China gagawin ang halalan at makakaribal ni Bubka si Sebastian Coe ng England.

Ang dating Olympic gold medalist sa 1,500m event at ngayon ay chairman ng British Olympic Committee na si Coe ay sinasabing naliliyamado sa halalan dahil pang-akit niya ang paglalaan ng pondo na ibibigay taun-taon sa mga developing countries para mapalakas ang kanilang programa sa athletics.

“We need all the support that we can. I will listen to his plans and will also tell him what we need,” wika ni Juico.

Mahigit 40 bansa ang bumubuo sa Asya at kung masolid ni Bubka ito ay lalaki ang tsansa niyang manalo kay Coe.

Noong nakaraang taon ay bumisita na sa Pilipinas si Bubka at tinulungan niya ang bansa na maipadala si Ernest John Obiena upang makapagsanay ang batang pole vaulter sa IAAF Training Center sa Formia, Italy.

Nakabalik na uli si Obiena sa Italy noong Hunyo gamit ang nasabing scholarship.

Tiyak na maraming plano sa Pilipinas si Bubka pero mangyayari ito kung siya ang mailuluklok bilang pangulo.

At makakabawi ang bansa sa naunang tulong na ibinigay ni Bubka kung siya ang bibigyan ng basbas ng Patafa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending