Bilib din kami dito kay Sarah Geronimo.
Kahit na sandamakmak na issue ang nakabalot sa kanyang pagkatao, at sa kanyang pamilya ay nananatili pa rin siyang matatag.
In fairness, kahit na problemado ang aktres sa kanyang personal life, hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang trabaho.
Kaya nga raw puring-puri siya ng mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa kabila ng kanyang mga kinakaharap na pagsubok ay nagpapaka-professional pa rin siya.
Bukod sa kanyang Sarah G Live!, busy din ngayon ang Pop Princess sa promo ng kanyang album.
At dito nga binalikan ni Sarah ang kanyang first love.
Pero wala itong kinalaman sa kanyang sugatang puso, ito ‘yung talagang gusting-gusto niyang gawin – ang kumanta para sa kanyang bagong album, ang “Pure OPM Classics”.Kung sabagay, marami na ring naka-miss sa kanyang album.
Ito ay matapos siyang mag-concentrate sa concert na super successful – “24/G” concert na ginanap sa Big Dome na nagkaroon agad ng repeat – at sa kanyang humahataw na programang Sarah G. Live sa ABS na napapanood tuwing linggo ng gabi.
Matagal nang gusto ng Viva Records na gawin ito for Sarah pero ngayon lang natupad.
Kasama sa “Pure OPM Classics” ang “Umagang Kay Ganda”, “Panalangin”, “Masdan Mo Ang Kapaligiran” (Asin) at ang “Tao” (Sampaguita).
Timely ang pagkakanta dahil hindi na nga naman kailangang i-elaborate kung anong pinagdaanan niya sa pakikipag-boyfriend kaya kitang-kita nilang damang-dama nito ang mga messages ng kanta ng “Ikaw Lang Ang Mamahalin” (Joey Albert), “Doon Lang” (Nonoy Zuñiga) at “Malayo Pa Ang Umaga” (Rey Valera). Nandito rin ang “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan”, “Kay Ganda ng Ating Musika” at “Anak”.
Pagdating sa pelikula, may niluluto nang bagong proyekto para sa kanya kasama ang isang sikat na komedyante.
Ayaw munang pangalanan ng Viva kung sino ito, surprise raw!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.