UAE pinalaya ang 15 Pinoy, 834 banyaga matapos ang Ramadan
IPINAG-UTOS ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) ang pagpapalaya sa 15 Pinoy at 834 iba pang banyaga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni Philippine Ambassador to the UAE Grace Relucio Princesa na kabilang ang mga Pilipino sa mga pinatawad ni Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, Presidente ng United Arab Emirates (UAE) at Ruler ng Abu Dhabi matapos naman ipagdiwang ng mga nasyon sa Arabian Peninsula ang banal na buwan ng Ramadan.
“I wish to thank the UAE government for releasing the 15 Filipinos from Abu Dhabi jails,” sabi ni Princesa.
Tinatayang isang milyong Pinoy ang nasa UAE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending