ISA po akong manggagawa dito sa Laguna. Gusto ko po sanang malaman sa ECC kung may matatanggap po bang benepisyo ang kasamahan ko sa trabaho.
Noong kasalukuyang nagpapalit kami ng filters sa production, accidentally ay natalsikan ng tubig na may halong kemikal ang mata niya dahilan para manlabo ang kanyang paningin. May matatanggap po ba siyang benipisyo sa ECC?
Anita Solomon
Reply: Sa ilalim ng Employees’ Compensation Program, ang manggagawang nagkasakit o naaksidente dahil sa trabaho ay may kaukulang benepisyong matatanggap, gaya ng loss of income benefit, medical benefits at rehabilitation services.
Ang pamilya naman ng manggagawang namatay nang dahil sa trabaho ay may may matatanggap na funeral at death benefits sa ilalim ng PD 626, as amended.
Sa sinabi mong kasamahan sa trabaho, kinakailangang pumunta siya sa pinakamalapit na SSS sa kanyang tirahan o pagawaan at ihain ang EC claim sa SSS.
Kinakailangan niyang magsumite ng mga dokumentong gaya ng certificate of employment, duties and responsibilities, accident report, medical records at iba pang dokumento na magpapatunay na nakuha niya ang kanyang kasalukuyang kondisyon dahil sa trabaho.
Sana ay natugunan namin ang inyong katanungan. Kung meron pa kayong gustong isangguni tungkol sa EC Program, pwede po kayong tumawag sa 899-4251 o 52 local 227 o 228.
Cecil Estorque-Maulion
Information and
Public Assistance Chief
Employees’
Compensation
Commission
355 Gil Puyat Avenue
Makati City
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.