‘Hindi adik, at lalong hindi kriminal si Daniel Padilla!’
HUWAG nga kayong masyadong OA (overacting) sa nakita ninyong photo o video ni Daniel Padilla na may gamit na vape or e-cigarette.
Itong mga ito, oo! Para namang nakagawa ng malaking krimen si Daniel dahil nakitang merong hawak at gamit daw na e-cigarette – nakakasira raw ng image niya sa mga kabataang umiidolo sa kaniya. Hasus! OA as in OA naman kayo kung makapag-react.
“Normally kasi, pag gumagamit ng e-cigarette ang isang tao, galing na siya sa pagsisigarilyo in the past na gustong mag-minimize o tumigil sa smoking. Maaaring nagsisigarilyo talaga si Daniel noon at sa kagustuhang mawala siya sa bisyo kaya idinadaan sa e-cigarette,” anang isang kakilala.
Okay, granting that Daniel used to smoke – is it very unusual? Mali kung sa mali ang paninigarilyo pero it’s a normal thing for young boys like him to go through that phase.
Kumbaga, part ng growing up niya ang mag-explore and maybe, he realized na masama sa katawan or health niya ang smoking kaya he is now using e-cigarette.
That’s a good alternative if I may say so. Hindi porke Daniel Padilla siya ay hindi na siya puwedeng mag-explore ng mga normal na ginagawa ng isang teenager. I don’t see it to be so bad.
Tao rin ang batang iyan, hindi robot. I am not encouraging young boys to smoke but you know, deal naman sana with Daniel’s situation with little compassion.
Hindi naman nakagawa ng krimen ang bata, hindi naman siya nagdroga. Sigarilyo lang siguro and he wants to get rid of it. Sobrang kasalanan na ba iyon? Just because nakita siya sa public na may hawak na vape, parang kriminal na kung ituring siya?
How unfair, di ba? It only shows na totoong tao siya – na hindi siya ipokrito like many out there na kiyemeng bait-baitan, clean-living pero sa totoong buhay ay tunay na mga adik at mga manyak.
But not Daniel, dearies. He’s just a young boy who tried any other boys his age tried. Oks lang iyon. Basta ba wag lang mawili.
In fairness, kilala ko ang batang iyan. Kahit paano naman ay nasubaybayan namin ang paglaki niya, sa piling ng kaniyang butihing ina na nakatutok sa kaniyang mga anak.
Ang kaibahan lang naman ng buhay nilang mag-anak ay sumikat lang talaga siya at nagkapera pero sa ugali, in fairness to him, he remained intact.
May mga kalokohan din kahit paano dahil normal na tao iyan. Huwag nga natin siyang supilin sa ilang mga bagay-bagay sa mundong ito. Let him spread his wings – tao lang din iyan, just like all of us.
Hayaan niyo siyang subukan ang tunay na kahulugan ng buhay – ang madapa at pagkatutong bumangon para pagdating ng panahon ay kaya niyang harapin ang lahat ng dagok sa buhay.
Life is not about showbiz lang naman for Daniel and his likes, there so much life ahead of them.
Kailangan niyang mamuhay din ng normal kahit paano, give it to him.
Hindi siya kailangang nakalagay sa box na kung ano ang gusto lang nating makita ang siya lang niyang dapat gagawin. Meron siyang desisyong dapat nating respetuhin.
So far naman ay wala akong nakikitang kasamaan sa mga gawa o kilos ni Daniel kaya nagtataka lang ako’t ginagawang big deal ang paghawak o paggamit niya ng e-cigarette na ito.
Kung manghusga kayo, parang ang linis-linis n’yo! Tsaka ang mga fans ni Daniel, mag-mature naman kayo kahit paano. Dapat nga riyan ay sinusuportahan ninyo siya sa lahat ng pagkakataon.
Kung sa tingin ninyo ay mali ang kaniyang ginagawa, advise him decently, hindi yung nananakot pa kayong kakalas ng pagsuporta sa sa kanya dahil may ginawa itong mali sa tingin ninyo.
Hindi naman niya kayo pinilit na maging fans niya, di ba? Yes, he appreciates naman your support for him pero sana ay ilagay naman ninyo ang mga sarili ninyo sa inyong dapat paglagyan.
Hindi kayo ang mamando kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya. Sumuporta lang kayo kung gusto ninyo pero hindi niya kayo pinipilit na manatili kung ayaw niyo sa kaniya.
In a way, naawa naman ako sa batang ito. Kung i-bash ng mga detractors niya just because of this little thing ay ganoon-ganoon na lang. Hindi po naliligaw ng landas si Daniel Padilla, alam niya ang ginagawa niya.
Sa edad niyang iyan, alam niya kung ano ang tama at mali at hindi niya papayagan ang sarili niyang masira ng kahit anumang bisyo.
If you see him drink wine or beer, masama? Anong gusto ninyong gawin niya, puro gatas at chocolate lang ang dapat inumin?
Mahirap din talaga ang maging Daniel Padilla – lahat na lang ng kilos mo ay binabantayan. That’s the prize a star has to pay. That’s the risk one gets for being so popular.
Pero don’t worry Daniel, one day mari-realize din ng mga taong ito na katulad ka rin nila na normal at dapat maranasan ang mga bagay-bagay sa mundo.
Basta ba everything in moderation lang, anak ha. Huwag lang sobra. Deadmahin mo na lang ang mga nagmamalinis na mga detractors mo.
Basta ba wala kang sinasagasaang kapwa mo, wala kang inaabala sa kanila – na hindi naaapektuhan ang trabaho mo, deadma, di ba! Inggit lang ang marami sa mga iyan kaya sila naloloka sa mga bagay-bagay na hindi naman talaga dapat pinalalaki. Hmp!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.