Binay hindi nagkomento sa SONA ni PNoy; antayin na lang daw ang kanilang SONA | Bandera

Binay hindi nagkomento sa SONA ni PNoy; antayin na lang daw ang kanilang SONA

Leifbilly Begas - July 27, 2015 - 07:25 PM

jejomar binay
Hindi na nagkomento si Vice President Jejomar Binay sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino kahapon.
“Pakinggan niyo na lang ang State of the Nation namin,” ani Binay ng hingian ng reaksyon matapos ang SONA.
Kapansin-pansin na hindi pinasalamatan ni Aquino si Binay na naging bahagi ng kanyang Gabinete sa loob ng limang taon bago ito nagbitiw.
Sinabi naman ni Paranaque Rep. Gus Tabunting, miyembro ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan ng ikalawang pangulo, na dapat ay pinasalamatan man lamang si Binay.
“Nakakalungkot hindi nabanggit yung mga naitulong ni VP Binay, that was uncalled for, hes should not have said it,” ani Tambunting.
Ayon naman kay Navotas Rep. Toby Tiangco, pangulo ng UNA, hindi na mahalaga kung napasalamatan si Binay o hindi.
“Mas mahalaga naman estado ng ating bansa, kaya lang doon sa priority bills sana sinama naman FOI (Freedom of Information bill),” ani Tiangco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending