Mahihirap na Pinoy umabot sa 51% o 11.2M pamilya-SWS
Hindi nagbago ang bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Nanatili sa 51 porsyento (11.2 milyong pamilya) ang bilang ng mga nagsabi na sila ay mahirap sa survey noong Hunyo.
Nagsabi naman ang 37 porsyento (8.1 milyong pamilya) na pangmahirap ang kanilang kinakain mas mataas ng isang porsyento sa survey noong Marso.
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
Unang lumabas ang resulta sa survey sa BusinessWorld, ang media partner ng SWS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.