PNP:Kakasuhan ang mga militanteng nambugbog sa mga pulis | Bandera

PNP:Kakasuhan ang mga militanteng nambugbog sa mga pulis

- July 27, 2015 - 02:00 PM

PNP-chief-sona

SINABI ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez na sasampahan ng mga kaso ang mga militanteng sangkot sa pambubugbog sa dalawang pulis na nangangalap ng impormasyon kaugnay ng pagsasagawa ng mga protesta sa Quezon City ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

“We are readying charges against those who mauled our personnel,” sabi ni Marquez matapos inspeksyunin ang mga riot pulis na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa mga militante, ipinatupad nila ang “citizen’s arrest” at ikinulong sa loob ng maraming oras si Police Officer 1 Reden Malagonio at isang “Espinosa Crisostomo Reyes.” Kumukuha ng litrato ang dalawa sa mga nagpoprotesta mula sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Southern Luzon.

Kinilala ni Chief Inspector Rodelio Marcelo, chief ng oCriminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang mga binugbog na mga pulis na sina Malagonio and Chief Inspector Antonio Ananayao Jr.

Idinagdag ni Marcelo na nakatalaga ang dalawa sa Regional Public Safety Battalion.

“That’s part of their job para malaman natin kung anong nangyayari sa kapaligiran natin,” dagdag ni Marquez.

Sinabi naman ni QCPD director Chief Superintendent Joel Pagdilao na nagtamo sina Ananayao at Malagonio ng mga bahagyang mga sugat.

Idinagdag ni Pagdilao na sumailalim ang dalawang pulis sa medico-legal examination sa Camp Karingal headquarters ng QCPD.

“We gave them space to air their grievances. Sana hanggang doon lang. Sana wala nang hakbang na magdudulot pa ng kaguluhan,” ayon pa kay Marquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending