Napakarami kong nababasang “bashing” here and there laban sa mahal nating si Sen. Tito Sotto after niyang sabihin sa kanyang speech na hindi naman daw over populated ang Pilipinas.
This is in connection with the controversial RH Bill issue.
Anyway, nagulat din ako sa sinabing ito ni Sen. Tito Sotto dahil matagal na pong over populated ang bansa natin.
But I cannot afford to bash him, I’m sorry about that dahil mahal ko ang mamang ito, sampu ng kanyang pamilya.
I may say na biased ako this time.
Naaawa lang ako sa kanya for the bad research pero hindi ko siya kayang tarayan.
Ang pinakamagandang magagawa ko na lang siguro ay ang manahimik at manood na lang ng bangayan nila. Tapos dumagdag pa ang bagong akusasyon ngayon sa kanya na may kinopya na naman daw siyang speech, ito’y mula raw sa yumaong US senator na si Robert Kennedy.
Nalungkot ako to a certain extent. I will pray that Sen. Tito Sotto gets back at his toes again and start working right.
I love the man kaya kayo na lang muna ang humarap sa gulong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.