Mukhang naisahan na naman si Robin Padilla
NOT true pala na hindi na magdyowa sina Aljur Abrenica and Kylie Padilla.
The two are very much on, says a source.
Hindi raw totoo na hiwalay na ang dalawa.
Ayaw lang nilang maging high profile ang kanilang relasyon para na rin sa ikatatahimik nila.
Siyempre nga naman, the moment na aminin nilang sila pa rin ay hindi sila tatantanan ng mga intrigero’t intrigera.
Isa pa, makasisira nga naman sa nagbabalik na tandem nila ni Kris Bernal ang balitang nagkabalikan na rin sila ni Kylie.
At ayaw din ng GMA ng ganyan.
Alam mo naman ang fans ng dalawa, kinikilig talaga sila sa tambalan nila kaya kinakailangang sakyan nila ang mga ito for the sake of their careers.
Alam na alam ng GMA 7 na kahit paano ay may hatak pa rin ang tambalang Aljur at Kris kaya nga ibinabalik nila ito sa Pinoy adaptation of isang Koreanovela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.