Right coach si Cone | Bandera

Right coach si Cone

Barry Pascua - July 25, 2015 - 01:00 AM

PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang posisyon at responsibilidad bilang bagong head coach ng Barangay Ginebra noong Huwebes. Pero hindi kagaya ng mga naunang coaches ng Gin Kings, inaasahang magtatagal si Cone sa paghawak sa kanyang bagong koponan.

Hindi siya magiging tulad nina Olsen Racela at Jeffrey Cariaso na tumagal lang ng tigalawang conferences. O nina Renato Agustin at Frankie Lim na tumagal lang ng tig-isang conference noong nakaraang season.

Katunayan, parang nagbabadya nga si Cone na kakailanganin niya ng matagal-tagal na panahon upang mahubog ang Barangay Ginebra sa isang champion team muli.

Aniya sa press conference, “It’s going to take a little bit of time.”

Sa totoo lang, mahirap-hirap ang pinasok ni Cone na sitwasyon. Biruin mong iba’t ibang sistema ang pinagdaanan ng Gin Kings sa mga nakaraang seasons. Hindi matagal sa iisang coach kundi sari-saring ideya ang naipasok sa ulo ng mga Gin Kings.

Kung tutuusin, aba’y talaga namang malilito ang mga players sa nangyari sa kanila. Biruin mong sa bawat conference ay ibang strategy, ibang prinsipyo, ibang gameplan, ibang maestro, ibang amo.

Susundin mo sa isang conference, ibabasura sa susunod.

Mahirap talagang magtagumpay sa ganoong klase ng sistema.

Kailangan talaga ng pagbabago na hindi muna pakikialaman. Pagbabagong pagtitiyagaan. Pagbabagong pagkakatiwalaan.

And Cone is the right man for the job.

Aba’y siya ang winningest coach ng liga. Alam niya ang kanyang ginagawa. Hindi nga ba noong 39th season ay nabuo niya ang kanyang ikalawang Grand Slam bilang coach ng Purefoods o SanMig Coffee.

Kaya naman may mga kaibigan akong nagsasabi na hindi dapat inalis si Cone sa Star Hotshots dahil lang sa isang masagwang season. Dapat daw ay pinabawi muna ang Star.

Ang problema lang, kapag nakabawi ang Star, aalisin pa ba si Cone?

Kumbaga, ito ang ‘perfect time’ para sa paglipat ni Cone. Fresh start na rin kasi ito para sa Star Hotshots na hahawakan naman ng baguhang si Jason Webb na apat na conferences nagsilbi bilang assistant ni Cone. Mananatili sa kampo ng Star bilang mga assistants naman ni Webb sina Johnny Abarrientos at Mon Jose.

Isasama naman ni Cone sa Barangay Ginebra bilang chief assistant coach niya si Richard del Rosario. Hindi pa nga lang natin alam kung sino pa ang ibang idadagdag niya sa kanyang staff.

Siyempre, triangle offense pa rin ang gagamitin ni Cone sa Barangay Ginebra. Ito ang nagbigay ng napakaraming tagumpay kay Cone noong siya ay nasa Alaska Milk at Purefoods.

Alam natin na nahirapan si Cariaso na ipagawa ang triangle offense sa Gin Kings. Pero si Cariaso iyon.
Si Cone ito ngayon. Masasanay din ang Gin Kngs sa sistema ni Cone at hindi sila puwedeng magreklamo dahil sa subok na ang formula na ito.

Hindi rin ako naniniwala na magiging dagli ang turnaround na mangyayari sa Gin Kings. Magmamatrikula pa rin si Cone ng ilang conferences.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kapag minahal na ng Gin Kings ang kanyang sistema, malamang na magkasunud-sunod ang tagumpay ng Barangay Ginebra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending