Arellano Chiefs nakisalo sa ikalawang puwesto | Bandera

Arellano Chiefs nakisalo sa ikalawang puwesto

Mike Lee - July 25, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Martes
(The Arena, San Juan)
2 p.m. St. Benilde vs Jose Rizal
4 p.m. San Beda vs Perpetual Help
Team Standings: Letran (5-0); Perpetual (4-1); San Beda (4-1); Arellano (4-1); Jose Rizal (3-2); Mapua (2-3); San Sebastian (1-4); Lyceum (1-4); St. Benilde (1-4); Emilio Aguinaldo (0-5)

NAG-INIT ang Arellano University Chiefs sa three-point arc para katampukan ang 104-92 panalo sa San Sebastian College Generals sa pagpapatuloy kahapon ng 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

May 14 triples sa 25 attempts ang naitala ng Chiefs at anim dito ay ginawa sa huling yugto para makakalas sa palabang Stags upang makasalo uli sa pangalawang puwesto kasama ang San Beda College Red Lions at University of Perpetual Help Altas sa 4-1 baraha.

Si Donald Gumaru ay hindi sumablay sa tatlong triples sa huling yugto, si Dioncee Holts na may 13 puntos sa last quarter ay may dalawa at si Zach Nicholls ay may isa para sa pangatlong sunod na panalo ng Chiefs.

“After losing our first game ay balance na ngayon ang team. Our guards also continue to respond well,” wika ni Chiefs coach Jerry Codiñera.

Sina Gumaru, Nicholls at Michael Salado ay may tig-13 puntos upang suportahan si Holts na may 21 puntos at 12 boards.

Ang ace playmaker na si Jiovani Jalalon ay may walong puntos lamang dahil pinagtuunan niya ang pagpasa tungo sa season-high 16 assists.

Sina Bradwyn Guinto, Michael Calisaan at Jamil Ortuoste ay tumapos bitbit ang 26, 20 at 17 puntos para sa Stags na may siyam na triples pero ininda ang 13-6 palitan sa pagsisimula ng huling yugto para maiwanan sa 82-72 tungo sa 1-4 baraha.

Humugot ang Jose Rizal University Heavy Bombers at host Mapua Insititute of Technology Cardinals sa kanilang mga guards para manalo sa naunang mga laro.

May 25 puntos si Bernabe Teodoro at kanyang pinagningning ang magandang ipinakita nang naghatid siya ng 16 sunod na puntos matapos dumikit ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa anim, 57-51, tungo sa 75-60 panalo.

Naghatid pa ng 10 puntos si John Pontejos na ginawa lahat sa first half habang ang rookie na si Mark Dela Virge ay may siyam na puntos para mailista ng Heavy Bombers ang kauna-unahang two-game winning streak tungo sa 3-2 karta.

Sina Josan Nimes at Stephen Que ay mayroong 18 at 17 puntos mula sa bench habang ang mga starting guards na sina Exequiel Biteng at Carlos Isit ay naghati sa 24 puntos upang ibigay sa Cardinals ang 101-72 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa unang laro.

May 16 puntos pa si Justin Serrano habang may 12 rebounds at tatlong blocks si Allwell Oraeme para tapusin ng Cardinals ang dalawang sunod na pagkatalo tungo sa 2-3 karta.

Nalasap ng Generals ang ikalimang sunod na pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa juniors basketball, pinadapa ng Mapua Red Robins ang EAC Brigadiers, 88-80, para umangat sa 4-1 kartada habang pinatumba ng Lyceum Junior Pirates ang JRU Light Bombers, 81-73, sa overtime para maiposte ang ikatlong panalo sa limang laro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending