Krusyal na do-or-die games ngayon sa PSL Beach Volley
Mga Laro Ngayon
(SM By The Bay Sands, MOA, Pasay City)
1 p.m. Gilligan’s vs Foton Hurricane
2:30 p.m. PetronXCS vs ACCEL Quantum Plus B
3:20 p.m. Petron Sprint 4T vs Cignal HD Spikers A
4 p.m. Philips Gold vs Amy’s
4:40 p.m. Foton Tornadoes vs Meralco
5:30 p.m. Foton Hurricane vs Cignal HD Spikers A
6:20 p.m. Petron Sprint 4T vs Gilligan’s
NAHAHARAP ngayon sa do-or-die games ang Petron XCS at Petron Sprint 4T sa pagpapatuloy ng PLDT Home Ultera-Philippine SuperLiga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup ngayon sa SM By the Sands sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Sina Gretchen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS ay makakaharap sina Aurora Tripoli at Rochet Dela Paz ng Accel Quantum Plus B sa ganap na alas-2:30 ng hapon at ang mananalo ay sasamahan ang Cignal HD Spikers B (2-0) sa quarterfinals mula Group B.
Sa kabilang banda, dalawang laro ang haharapin nina Alexa Micek at Fille Cayetano ng Petron Sprint 4T at dapat na manalo sila para umabante sa quarterfinals sa pagtatapos ng group elimination sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay at Maynilad.
Unang katunggali nina Micek at Cayetano sina Cha Cruz at Michelle Laborte ng Cignal HD Spikers A sa ganap na alas-3:20 para sa kanilang unang panalo sa Group D.
Dalawang laro ang haharapin ng nasabing mga koponan at katunggali ng Petron Sprint 4T ay ang Gilligan’s na siyang huling laro dakong alas-6:20 ng gabi o matapos ang bakbakan ng Cignal HD Spikers A at Foton Hurricane.
Unang laro sa ganap na ala-1 ng hapon ay sa pagitan ng Gilligan’s nina Danika Gendrauli at Norie Jane Diaz at Foton Hurricane nina Bea Tan at Pau Soriano para sa 2-0 karta sa apat na koponan sa Group D.
Pasok na sa quarterfinals ang mga koponan ng Amy’s (1-0) at Philips Gold (1-0) sa Group A, Cignal HD Spikers B (2-0) sa Group B at Meralco (1-0) at Foton Tornadoes (1-0) sa Group C dahil ang mga grupong nabanggit ay binubuo lamang ng tatlong koponan.
Namahinga na ang Accel Quantum Plus A at Beneco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.