Babae, pulis patay sa pamamaril sa isang kalye sa Laguna
PATAY ang isang babae at isang opisyal ng pulis matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem sa Cabuyao City, Laguna, kahapon ng makapananghali.
Sinabi ni San Pedro Laguna police chief Supt. Joseph Bayan na nangyari ang insidente ganap na alas-12:50 ng hapon sa harap ng isang convenience store sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Isidro.
Kinilala niya ang mga biktima na sina Brenda Broqueza at Police Officer 1 Seigfred Angeles, ng the Cabuyao police.
Sa panayam kay Bayan, sakay si Broqueza ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapareha na si Amador Arena.
Galing ang dalawa sa isang kalapit na sangay ng Metrobank at pauwi na sana sila ng kanilang bahay matapos mag-withdraw ng P400,000.
“They had to slow down due to the slow traffic somewhere near (the) 7-Eleven (convenience store) and that was when the woman was held at gunpoint by a suspect on board another motorcycle,” dagdag ni Bayan.
Tumangging ibigay ni Broqueza ang bag na naglalaman ng pera, dahilan para paputukan siya ng suspek at agawin ang kanyang bag, ayon pa kay Bayad.
Nagkataon namang nasa lugar din ang mga nagpapatrolyang pulis, na naging dahilan para magkaroon ng saglit na palitan ng putok.
Nagpaputok ang mga suspek kung saan tinamaan si Angeles. Tumakas ang mga suspek sa hindi pa malamang direkyon.
Isinugod sina Broqueza at Angeles sa isang ospital sa Calamba City, bagamat kapwa nasawi rin dahil sa natamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Idinagdag ni Bayan na tinatayang limang salarin ang nakita ng mga testigo na umaatake sa magkapareha at tatlong iba pa na umatake sa isa pang motorsiklo. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.