INC tiniwalag ang nanay, kapatid ni Executive Minister Eduardo Manalo
TINIWALAG ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo (INC) ang nanay, kapatid at dalawang iba pang miyembro ng pamilya ni Executive Minister Eduardo Manalo.
Sa isang church memo na umikot sa social media, ipinaalam ni INC Executive Secretary Radel G. Cortex sa mga miyembro ng grupo sa buong mundo ang pagkakasibak ng pamilya Manalo sa INC.
Batay sa memo, kabilang sa tinanggal sa INC sina Cristina Villanueva Manalo, Felix Nathaniel Villanueva Manalo, Marco Eraño Villanueva Manalo, at Lolita Manalo Hemedez.
Si Cristina ang biyuda ng yumaong dating Executive Minister na si Eraño “Erdy” Manalo.
Ang pagkakatiwalag sa apat ay bunsod naman ng apela ng tulong ni Cristina sa harap umano ng banta sa kanilang buhay.
Ginawa ang apela sa social media. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.