GANDANG hapon Manang Pher,
Matagal akong niloko ng asawa ko. Tuluyan siyang nakipaghiwalay sa akin nang mag-abroad siya. Inamin niya na may relasyon siya sa ibang lalake.
Nasa akin ang tatlo naming anak na nasa elementary at high school.
Masyadong masakit ang ginawa niya. Hirap ako mag-alaga sa mga bata at nagtratrabaho pa, ‘yun pala ay may karelasyon siyang iba.
Manang, sa akin niya kinuha lahat ng panggastos niya, mula pag-aaral hanggang pagkuha ng mga pangangailangan niya para maka-abroad. Padalaw-dalaw lang siya sa amin at kapag nasa bahay ako pa nag-aasikaso ng lahat.
Dekada kami nagsama, tapos ngayong gusto niya ay magkaibigan na lang kami. Ganun lang ba ‘yun?
Ang sakit-sakit dahil minahal ko siya nang buong buhay ko. Mahal ko pa siya ramdam ko, pero gusto ko na rin mawala ang pakiramdam na ito dahil hinding-hindi na raw siya babalik sa akin.
Ang hirap, Manang, nakakapagod. Kung pwede lang dukutin ang puso at utak para tanggalin na siya dito ay ginawa ko na.
Jose
Good day sa iyo, Jose. Salamat sa liham mo na ipinadala sa e-mail. Talaga namang naantig ako sa pinagdadaanan mo… I feel for you. I can’t imagine kung gaano kasakit ang lokohin at pagtaksilan ng taong iyong pinakamamahal, but this happens and you need to move forward para sa mga anak n’yo at para sa future mo.
Yung offer ng ex mo na friendship, napakahirap ngang tanggapin but it is up to you if you want that to happen… maybe for the sake of your children, in time. I hope you free yourself of the pain and hatred.
Sana ay maka-move on ka at makahanap ng babaeng tunay na mamahalin mo at gayundin siya sa iyo. It is not impossible.
When you begin to forgive and learn to accept, I promise you, good things will happen. Sa ngayon, kung masakit pa, pagsikapan mo na makalimot at maging inspirasyon para sa mga bata. Be there for them and show them what forgiveness is. Don’t live a bitter life dahil may choice ka. Happiness is choice.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.