Mga Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
2 p.m. St. Benilde vs
San Beda
4 p.m. Perpetual Help vs. Letran
Team Standings: Perpetual Help (4-0); Letran (4-0); Arellano (3-1); San Beda (3-1); Jose Rizal (2-2); San Sebastian (1-3); Lyceum (1-3); Mapua (1-3); St. Benilde (1-3); Emilio Aguinaldo (0-4)
HINDI naramdaman ng five-time reigning champion San Beda College ang pagkawala ng injured star player nitong ni Baser Amer nang tambakan nito ang Lyceum, 97-74, kahapon sa 91st NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City
Nagtamo ng shoulder injury si Amer sa huling laro ng Red Lions kontra Letran Knights noong Huwebes. Kahapon, nagbida para sa San Beda si Roldan Sara na kumulekta ng 11 puntos, pitong rebounds, anim na assists at anim na steals.
Pagkatapos ng laro ay si- nabi ni Sara na inialay niya ang kanyang laro sa matalik na kaibigan na si Amer. “It saddened me to hear the news because he is like a brother to me,” sabi ng 22-anyos na si Sara patungkol kay Amer na kakampi rin niya sa San Beda High School.
“That’s why I’m dedicating this win to him.” Nagdagdag naman ng 22 puntos at 14 rebounds, anim na assists, dalawang steals at isang shot block si Arthur dela Cruz para sa Red Lions na nakabawi sa tinamong 80-93 kabiguan kontra Letran.
“We’ve got beaten by a better team (Letran) and we offer no excuses,” sabi ni San Beda coach Jamike Jarin. “We bounced back strong, that’s the most important thing.”
Umangat sa 3-1 baraha ang San Beda habang nahulog naman sa 1-3 ang Lyceum. Hindi nakapaglaro para sa Pirates kahapon ang suspendidong Cameroonian na si Jean Nguidjol.
Sa ikalawang seniors game kahapon, binigo ng Letran Knights ang San Sebastian Stags, 82-76, para manating walang talo sa apat na laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.