Barreto wagi ng 4 ginto sa Batang Pinoy | Bandera

Barreto wagi ng 4 ginto sa Batang Pinoy

Barry Pascua - July 22, 2015 - 01:00 AM

GINAMIT ni Miguel Barreto ng Quezon City ang Luzon elimination leg ng 2015 Batang Pinoy para magpakilala at magpakitang gilas sa mundo ng sports.

Si Barreto ang kauna-unahang atleta na nanalo ng apat na gintong medalya sa palarong ginaganap sa Bulacan Sports Complex, Malolos, Bulacan at inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nanaig ang 11-taong gulang na swimmer sa boys 12-and-under 400m freestyle, 200m butterfly (2:39.74), 50m butterfly (31.85) at 200 medley relay.

“Noon pa pong 2013 ako nagsimulang sumali pero hindi po ako nananalo,” wika ni Barreto, nakababatang kapatid ni Rafael na isang Batang Pinoy at Palarong Pambansa multi-gold medalists.

Kasali rin si Rafael at nanalo na rin siya ng dalawang ginto sa larangan ng boys 13-15 sa 100m freestyle (57.62) at 200m freestyle (2:01.43).

“Hindi ko po expected na manalo dahil sa dami ng mga kalaban pero naka-focus po ako sa goal ko na makasali sa National Finals,” dagdag ng batang Barreto na bago ang kompetisyong ito ay sumali sa G-League at nanalo ng tatlong ginto at siyam na pilak sa 14 events.

Isa pang 12-anyos na baguhan na si Alyza Paige Ng ay naghatid din ng dalawang ginto para sa Quezon City na humakot ng kabuuang 15 gintong medalya sa kompetisyon.

“First time ko po rito pero expected ko pong manalo dahil target ko na pumasok sa national finals,” sabi ni Ng ng New Manila na nagwagi sa girls 12-under 100m freestyle (1:06.14) at 50m breast stroke (38.84).

Mataas ang kanyang kumpiyansa dahil galing siya sa pagsungkit ng siyam na gintong medalya sa G-League.

Sa iba pang resulta, nasilayan ang galing ng Baguio sa poomsae nang walisin ang a- pat na gintong medalya sa individual boys at girls, mixed pair at team habang nagwagi naman ng walong ginto ang Pangasinan sa karatedo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending