Kathryn napaiyak, pinagalitan dahil sa isang KathNiel fan
Nakakaloka ang chikahan sa isang Twitter account kung saan topic si Kathryn Bernardo.
Nabasa namin ang chikahan at ang ikinaloka namin ay ang “may moment pa daw na umiyak si kath bc nag-entertain siya ng isang fan, tapos pinagbabawal ng management. ang ending, napagalitan siya.”
Meron talagang ganoong eksena? Bakit naman pagagalitan si Kathryn kung nag-entertain man siya ng isang fan? May problema ba roon? Nakasagabal ba ang isang fan na ‘yon sa kanyang trabaho?
Anyway, mabait na bata raw si Kathryn, hindi ito sumasagot sa kanyang mga magulang kahit na pinapagalitan ito.
“May mga bata na pag napagalitan pinandidilatan nila ng mata, si kath tahimik lang o kaya iiyak na lang,” say ng isang Kuya Mar.
Ibig sabihin para palang si Sarah Geronimo si Kathryn na sunud-sunuran talaga sa parents. No wonder, sinuswerte rin ang rumored dyowa ni Daniel Padilla.
Pinagpapala kasi ang masunurin at marespeto sa magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.