Jimboy Salazar sobrang payat na, may malalang sakit | Bandera

Jimboy Salazar sobrang payat na, may malalang sakit

Cristy Fermin - July 20, 2015 - 02:00 AM

jimboy salazar

Halos buto’t balat na raw ngayon ang dating miyembro ng That’s Entertainment na si Filio Salazar. Nagbago siya ng pangalan, naging Jimboy siya, saka nakipag-eklatan na espesyal sa kanyang puso ang bansuting personalidad na si Mahal.

Maingay kasi nu’n ang pangalan nina Mahal at Mura, aliw na aliw ang publiko sa dalawa, kaya siguro naisip ni Jimboy na makiangkas sa popularidad nu’n ni Mahal na isa rin namang hitad at kalahati sa kabila ng kanyang sukat.

Malaki ang kinita nila ni Mahal nu’n sa mga provincial shows, nag-record pa sila ng mga kantang nagduduweto sila, hanggang sa mapaniwala na nga niya si Mahal na in-love na in-love siya sa bansuting babae.

Si Jimboy rin ang nagpauso ng litanyang, “Ako bading? Hello!” Napakahaba ng pagkakabigkas niya ng salitang hello, kaya ginaya ‘yun ng mga kilalang stand-up comedian, hanggang sa naging tatak na ‘yun ni Jimboy.

Pero si Mahal din ang naglantad sa tunay niyang kasarian, nang tanungin ito kung mahal pa rin si Jimboy ay isa lang ang sinabi ni Mahal, “Hindi na, ‘no! Bakla siya!”

Hanggang sa isang araw ay nagpakita na nga sa telebisyon si Jimboy, Jimgirl na ang kanyang itsura, meron na siyang ipinakikilalang boyfriend.

Tama si Mahal, becki nga si Jimboy, matagal na raw becki ang singer pero pinaniwala pa niya ang bulilit na babae na mahal na mahal niya ito.

Maysakit ngayon si Jimboy, payat na payat na siya, kumakatok si Jimboy sa pintuan ng showbiz para humingi ng tulong sa matindihang gastos sa pagpapagamot.

Ubos na raw ang kanyang naipon, ang mahal-mahal daw ng mga gamot na kailangan niyang bilhin, kaya nanghihingi siya ng ayuda ngayon sa kanyang mga kaibigan-kasamahan sa showbiz para sa pinagdadaanan niyang mahabang proseso ng gamutan.

Maging mabait naman sana kay Jimboy ang showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending