Forevermore kinilala ng Sangguniang Panglungsod ng Baguio
Binigyan ng pagkilala ang romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore kamakailan matapos ihain ng Sangguniang Panglungsod ng Baguio City ang resolusyon na pumupuri sa naging kontribusyon ng teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano sa turismo ng Baguio.
Ayon sa Resolution Numbered 92, pinaparangalan ng lungsod ng Baguio ang ABS-CBN at ang lahat ng bumubuo ng Forevermore para sa pagtulong ng teleserye sa pagpapaunlad ng turismo sa kanilang bayan.
Nakasaad sa nasabing resolusyon na nakatulong ang Forevermore sa pagdami at pagdagsa ng mga turistang bumibisita sa Baguio para masulyapan ang Sitio Pungayan sa Tuba, Benguet o mas kilala sa mga manonood bilang La Presa, ang lugar kung saan nagsimula ang pag-iibigan nina Xander (Enrique) at Agnes (Liza).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.