Nakakalimutan nila si Duterte | Bandera

Nakakalimutan nila si Duterte

Ramon Tulfo - July 18, 2015 - 03:00 AM

WALANG napagkasun-duan sa dinner meeting sa Malacanang ni Pangulong Noynoy sa tatlong posibleng maging kandidato sa matataas na puwesto sa 2016 election.

Ang tatlo ay sina Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.

Si Mar at Grace ay maaaring tumakbo sa pagkapangulo habang si Chiz naman ay sa pag-ka-bise presidente.
Hindi nagbigay daan si Grace kay Mar na ma-ging running mate na lang siya ng huli.

Si Mar ay maaaring tumakbo bilang kandidato ng Liberal Party.

Si Grace ay maaaring tumakbo bilang independent kasama si Chiz bilang kanyang running mate.

Sinabi ni Grace na magkikita-kita silang muli next week at hihintayin niya ang confirmation ng meeting.
“Ang masasabi ko lang sa puntong ito ay nalalapit na ako sa pagpili ng kandidato,” ani PNoy nang tinanong siya ng mga reporters sa Camp Crame kung saan dumalo siya sa pagtatalaga kay Director Ricardo Marquez bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Nang tanungin siya kung kelan niya sasabihin ang napili niyang kandidato, ang kanyang sagot ay, “kung ako ang masusunod, kahapon sana.”

Inaasahan na i-aanunsiyo ng pangulo ang magiging kandidato ng Liberal Party sa pagka-pangulo sa State of the Nation Address o Sona sa July 27.

Malaking tsansa na hirangin ni PNoy si Roxas na nagbigay-daan sa kanya upang tumakbo ng pagkapangulo noong 2010 presidential election.

Si Roxas sana ang tatakbo noon bilang pangulo, pero pinagbigyan niya ang sigaw ng taumbayan na patakbuhin niya si PNoy.

Masyado naman yatang nakakasiguro ang administrasyong Aquino na ang kandidatong i-endorso ni P-Noy ang ma-nanalo sa 2016 presidential election.

Ganyan kasi ang nangyari sa mga kandidato para senador, congressman at local government posts na inendorso noon ni Pangulong Cory Aquino.

Noon kasi ay masyadong popular si Cory.

Pero iba na ang panahon ngayon dahil wala nang asim si PNoy sa taumbayan dahil sa kapalpakan ng kanyang administrasyon.

Maaari pa ngang “kiss of death” ang kanyang endorsement.

Nakakalimutan yata natin na may dark horse na kandidato para pagka-Pangulo at iyan ay si Davao City Mayor Rody Duterte.

Kapag inihayag lang ni Duterte na siya’y kakandidato biglang tataas ang kanyang rating sa mga surveys.

Sa ngayon ay No. 1 si Grace Poe sa mga surveys para pangulo at pumapangalawa ni Vice President Jojo Binay.

Si Roxas at Duterte ay nasa third place.

Milagro lang ang makapagtataas kay Roxas sa mga surveys ng mga “presidentiables.”

Dapat ay sundin ni Grace Poe ang payo ni Sen. Serge Osmeña na maging vice president muna siya at tumakbo na lang sa pagka-pangulo sa 2022 election.

Magaling na political strategist si Serge at alam niya ang kanyang sinasabi.

Sinasabi ni Osmeña na pag-aralan muna ni Poe ang trabaho ng Presidente bilang Vice President.

Wala raw kasing karanasan itong si Grace sa pamamalakad o governance. Hindi naman siya humawak ng executive position, gaya ng mayor, kaya’t mahihirapan siyang patakbuhin ang bansa.

Kung experience in governance ang pag-uusapan, sina Duterte at Binay lamang ang may karapatang tumakbo bilang pangulo.

Of course, lamang si Duterte kay Binay dahil walang bahid ng corruption ang pagpapatakbo ni Duterte sa Davao City .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Binay ay pi-nuputakte ng kasong graft at plunder sanhi ng pagpapatakbo niya ng Makati City bilang
mayor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending