Paano makakaahon sa kahirapan? | Bandera

Paano makakaahon sa kahirapan?

Joseph Greenfield - July 18, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Evelyn ng Barra, Opoly Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,

Ako ay anak lang ng isang labandera habang ang tatay ko naman ay nagtatrabaho lang sa bukid, kaya kaming mga magkakapatid ay nahinto na po sa pag-aaral. Ako po ay third year high school lang at hindi na ako nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Naisipan kong sumangguni sa inyo
upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Sa ngayon po ay nire-recruit ako ng pinsan ko na mag-aplay daw kami sa abroad bilang domestic helper. Doon na kasi naninirahan sa Dubai ang kapatid niya at doon daw kami mamamasukan. Itatanong ko lang po kung ito na kaya ang opportunity na hinihintay ko para maka-ahon kami sa kahirapan? Kung makapag-aabroad ako kailan kaya ito magaganap at magiging maayos kaya ang buhay ko roon? December 13, 1990 ang birthday ko.

Umaasa,
Evelyn ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang pasubali at walang duda na makapag-aabroad ka. Kaya tama ang ginagawa mong pag-aaplay sa ngayon, dahil sa bandang huli magkakaroon iyan ng positibong resulta – makapag-aabroad ka.
Cartomancy:

King of Diamonds, Nine of Diamonds at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking mayaman, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang taong ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan, na magiging daan, upang unti-unti na kayong makaahon sa kahirapan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending