Isang pagsabog ang naitala sa Bulkang Bulusan kahapon ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ayon sa Phivolcs ang ‘minor ash eruption’ ay tumagal ng 11 minuto.
Umabot sa 200 metro ang taas ng abo na nilikha ng pagsabog na tumaggal hanggang 1:21 ng hapon.
Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan na nangangahulugan na mayroong hydrothermal processes na nangyayari sa ilalim nito at siyang magdudulot ng mga pagsabog.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometro sa paligid ng bulkan.
Pinaalalahanan din ang mga piloto na iwasan ang pagdaan malapit sa bunganga ng bulkan dahil maaaring makaapekto sa lumilipad an eruplano ang pagsabog.
Dapat din umanong mag-ingat ang mga taong nakatira malapit sa ilog dahil posible ang pagdaloy ng lahar at iba pang ibinubuga ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.