Lani mag-isang tinutupad ang mga obligasyon ni Sen. Bong
PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan ang hiling ni Sen. Bong Revilla na payagan siyang madalaw sa ospital ang ama niyang si former Sen. Ramon Revilla, Sr.
Isinugod nga sa ospital si Daddy Ramon at na-ICU sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City noong Sabado dahil sa kumplikasyon sa pneumonia at dehydration.
Naging aligaga si Cavite Rep. Lani Mercado na siya ngayong tumatayong ama at ina ng kanyang pamilya, sa pagtutok sa pagkakaospital ng kanyang father-in-law kasabay ng kiusap sa publiko na alayan ng dasal ang dating senador.
Marami ang humahanga sa katapangan ni Cong. Lani dahil siya na nga ang gumagawa at tumutupad sa mga naiwang obligasyon ng kanyang asawa.
“Stable” na uli ang kundisyon ni Daddy Ramon pero patuloy pa ring mino-monitor ng kanyang mga doktor. Kaya naman worried pa rin si Sen. Bong dahil kahit paano ay iba yung may pisikal kang nagagawa para maalagaan ang mahal mo sa buhay.
Minsan nang pinayagan ng korte ang apela noon ni Sen. Bong nang ang anak niyang si Vice-Governor Jolo Revilla ang maospital matapos aksidenteng mabaril ang sarili.
Sigurado kaming sa sandaling panahon ng pagdalaw ni Bong sa kanyang ama ay malaki na ang maitutulong nito sa moral na estado ni Daddy Ramon kaya’t sana this time ay magawa uli siyang payagan ng korte. Patuloy pa rin tayong nagdarasal para sa mahal nating actor-politician.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.