Daniel, Yeng waging Male & Female Artist of the Year sa ‘MOR’ Pinoy Music Awards | Bandera

Daniel, Yeng waging Male & Female Artist of the Year sa ‘MOR’ Pinoy Music Awards

Ervin Santiago - July 14, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

ITINANGHAL na Male and Female Artists of the Year sa 2015 MOR (My Only Radio) Pinoy Music Awards sina Daniel Padilla at Yeng Constantino.

Ginanap ang awards night noong Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum na dinaluhan ng mga sikat na singer at performers sa local music industry. Ito’y inorganisa ng FM radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9.

Binigyan din sa nasabing event ng tribute ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na siyang tumanggap ng Lifetime Achievement Award para sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa OPM.

Ang mga napiling winners ay ibinase sa mga sumusunod na panuntunan: total text votes, mga boto mula sa MOR Pinoy Music Awards committee, at mga boto mula sa judges ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) kabilang ang VP for Special Projects Christian Bautista, board member Jose Mari Chan, at OPM president Ogie Alcasid.

Pinalakpakan ng audience ang bonggang tribute para kay Mega sa nasabing awards night, sa pangunguna nina Jolina Magdangal, Klarisse de Guzman, Nyoy Volante, Morissette Amon, Liezl Garcia, Christian Bautista at Karla Estrada.

Ayon kay Sharon, napakalaking karangalan para sa kanya na ma-recognize ang kanyang nai-contribute sa industriya ng musika. Sinabi rin ng TV host-singer-actress na first love talaga niya ang pagkanta.

Bukod kina Daniel, Yeng at Sharon, big winner din nu’ng gabing ‘yun ang Kapamilya actor na si Enchong Dee na siyang tumanggap ng Dance Hit of the Year Award para sa kanyang “Chinito Problems.”

Nagbigay pa ang binata ng mensahe para sa mga kabataang singers ngayon, “Sa lahat ng mga kabataan na patuloy na nangangarap, ipagpatuloy n’yo lang ang pangangarap.”

Narito ang ilan pang winners sa 2015 MOR Pinoy Music Awards: Best Collaboration of the Year: “No Erase” by James Reid and Nadine Lustre; Best New Artist of the Year: Morissette Amon; at LSS Hit of the Year: “Boom Panes” ni Vice Ganda.

Wagi namang Album of the Year ang “Himig Handog P-Pop Love Songs 2014” (Various Artists); at Song of the Year naman ang “Mahal Ko O Mahal Ako” ni KZ Tandingan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending