Gary: Talent pa rin ang pinakamahalaga! | Bandera

Gary: Talent pa rin ang pinakamahalaga!

Ambet Nabus - July 14, 2015 - 02:00 AM

gary valenciano

NAGING very supportive si Gary Valenciano sa social media remarks ni Rhap Salazar na pinayuhan/sinang-ayunan din ng bang artists gaya nina Guji Lorenzana at Gab Valenciano, tungkol nga sa isyu ng “kakaibang sistema” sa recording industry.

Naging usap-usapan kasi ang tila maanghang na pahayag ng batang singer kaugnay ng mga non-singers/performers na nagkakaroon ng sariling albums at concerts.

Lahat naman daw ay entitled sa kanilang opinyon at bilang isang artist na passionate at buo ang dedikasyon sa kanyang craft, nauunawaan daw ni Gary ang sentimyento ni Rhap.

May mga “realities” nga lang daw talaga sa industriya na mahirap ikonek sa dreams and aspirations ng isang artist, pero at the end of the day naman daw, “The audience will have its last say,” sey pa ni Gary na siya ngayong endorser ng PurePadala ng Puregold.

Sino pa ba naman ang perfect na endorser na dapat pagkatiwalaan ng Puregold kundi si Gary na nakilala nating mahusay na ambassador ng ating OFWs.

Ang PurePadala kasi ay naglalayong maipadala sa tamang purpose at recepients ang remittances ng mga OFW kapamilya natin. Kung sa grocery, sa grocery.

Kung pang-tuition, pang-tuition, kung kailangan ng cash, e di, cash. Simple lang ang gagawin ng mga nagnanais magpadala sa mga mahal nila sa buhay.

Pupuntahan lang nila ang mga accredited remittance companies ng Puregold at doon mag-transact ng padala nila. Then mag-advise sila via text sa recepients dito sa Pilipinas na ipapakita lang sa kahit anong branch ng Puregold and that’s it.

Maaari rin itong gawin domestically dahil mayroon ng daan-daang branches ang Puregold sa bansa.
“I never had second thoughts when they offered me to endorse it.

Napakaganda at makabuluhang advocacy na matatawag ito dahil pure na pure at sure na sure sa tamang intention ng nagpapadala ang sistema nito.

I simply hope na makatulong ako via my shows abroad at iba pa dahil for me, napakaganda at maayos ang service na ito,” paliwanag pa ni Gary.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending