Lani sa kundisyon ni Mang Ramon: Hindi siya makausap, tulala lang! | Bandera

Lani sa kundisyon ni Mang Ramon: Hindi siya makausap, tulala lang!

Jobert Sucaldito - July 14, 2015 - 02:00 AM

ramon revilla

I GOT a message from our DZMM family last Saturday evening na meron daw silang nabasa sa Facebook account ni kaibigang Cong. Lani Mercado saying that former Sen. Ramon Revilla, Sr. was rushed to the Intensive Care Unit of St. Luke’s Global that day.

Nataranta ako siyempre dahil alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Daddy Ramon – parang tatay na ang turing ko riyan. I immediately called the good congresswoman and asked for the veracity of the report.

“Yes, Jobert. Kaninang umaga (Saturday) dinala si Daddy sa St. Luke’s Global and we are praying that he’d be alright. Ang sakit ni Daddy ay metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia kaya siya na-ICU.

Buti naagapan. Di siya makausap. Parang tulala lang. Yung para siyang na-disorient,” ani Cong. Lani.
Bigla akong nalungkot dahil it’s been a while na di ko siya nadadalaw sa bahay nila sa Bacoor, Cavite.

Palagi ko lang siyang sinasabihan sa radio show namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM na dadalawin ko siya the soonest time na makatiyempo ako. Medyo naging busy lang kasi ako.

Bigla talaga akong natakot for some reason pero of course, I am ardently praying for his fast recovery.
“Di ba’t dinadalhan mo pa siya ng pagkain tuwing pupunta ka sa kanila? Maraming salamat sa pagmamahal mo kay daddy, Jobert ha,” malambing na sabi sa amin ng misis ni Sen. Bong Revilla.

Wala iyon. I just love the man, he’s such a wonderful dad to everyone lalo na sa mga anak niya, including me. Para nga akong nakikikamag-anak dahil alam kong love na love din ako ni Daddy Ramon. Tuwing nagkikita kami ay marami kaming napagkukuwentuhan.

“Alam ko ang damit mong suot nu’ng Miyerkoles. Si ano ang topic ninyo nu’ng Lunes. Minsan ay nakakatulugan ko na ang show mo – matapos mo akong mabati ay nakakatulog na ako minsan,” I would remember him telling me pag nadadalaw ko siya sa kaniyang bahay before.

Iyon ang nami-miss ko kay Daddy Ramon, yung madalas niyang papuri sa akin kaya I promised myself not to miss greeting him dahil those little gestures I do for him makes him stronger.

Nakikita ko kasi sa mukha niyang naaaliw siya. Iyan ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang mga Revilla – dahil kay Daddy Ramon.

There was a time na nangako akong dadalhan ko siya ng adobong baboy for dinner kaya lang, medyo na-late ako ng dating dahil na-traffic ako sa coastal area.

Mantakin mong talagang waiting pala siya, hinintay niya ang adobong niluto ko kaya sinabayan ko siyang kumain.

Minsan naman ay nagkuwento siya, “Madaling araw na ako nakatulog. Malakas ang ulan kagabi. Narinig kong nagkakandahulog ang ilang mabolo sa bubungan ko kaya inutusan ko ang boy ko na ipagtabi ka ng tatlong mabolo.

Matamis iyan. Imported ang puno niyan,” aniya sa akin sabay pakuha ng malalaking mabolo fruit at nang kinain ko nga sa bahay ay sobrang tamis at medyo crunchy. Bait niya sa akin, di ba?

Ito ang kuwela – nagkukuwento siya tungkol sa smoking sa aming ni Andeng Ynares. Nagagalit daw siya dati kay Sen. Bong pag nalalaman niyang nagsigarilyo ito. Naaamoy daw kasi niya sa paghinga ni Sen. Bong kung nagsigarilyo ito o hindi.

“Sinabihan ko siya na sa susunod pang paninigarilyo niya ay ipapakain ko sa kaniya ang isang kaha ng sigarilyo,” sabay turo ng yosi sa bulsa ng polo ko at pinakiusapan akong hingin daw niya.

Ako naman, alam ko na iyon, ibinigay ko sa kaniya ang kaha ng sigarilyo na iyon sa pocket ko.
“Pasensiya ka na Jobert, ha (sabay kuyamos ng kaha ng sigarilyong iyon kahit hirap na siyang mag-grip basta masira lang niya).

Alam mo bang bumabaho ang hininga mo pag nagsisigarilyo ka? Huwag ka nang magsigarilyo ha. Pag hinahalikan mo ang girlfriend mo, maaamoy niya iyon.

Hindi niya nagugustuhan,” aniya sa akin habang tumatawa naman ang kalooban ko dahil sa sinabi niyang hindi raw magugustuhan ng girlfriend ko ang amoy ng hininga ko pag nagyosi ako.

In short, hindi siguro alam ni Daddy Ramon na baklita ako. Ha-hahaha! Minsan naman ay naka-schedule siyang pumunta sa sabungan nila one Saturday.

Nangako akong pupunta sa kanila. Pagdating ko, itinuro ako ng guard nila that Daddy raw went to his daughter’s coffee shop (si Rowena) sa halos tapat lang naman ng kaniyang mansiyon.

Go naman ang bakla roon para puntahan si Daddy Ramon. Pagdating ko roon, pinakain niya agad ako ng napakasarap na pizza.

Kasama niya ang ilang nurses niya and boy – pinakakain din niya roon. “Bukas na lang ako pupunta sa sabungan kasi hinintay kita.

Gusto mong sumama sa sabungan, may sarili naman akong room doon na naka-aircon. Iyan lang ang libangan ko on weekends,” pag-imbita niya sa akin.

Siyempre sinabi ko sa kaniyang may lakad ako the next day kahit wala naman kasi nga, ayokong matuto ng sabong. Kung slot machine pa iyon baka sumama pa ako.

Ha-hahaha! Nakakatuwa si Daddy Ramon, di ba? Daddy Ramon is such a wonderful man. That’s why I am slightly affected sa balitang he’s confined now sa St. Luke’s Global.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I am praying that he’d be alright.  Gustuhin ko mang dumalaw but I have to respect first his privacy, na kailangang magpagaling siya nang husto.

I just want him to know na mahal na mahal ko siya na parang tunay kong ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending