Enrique kay Liza: May Forever, promise!
Naniniwala si Enrique Gil na may “forever” talaga pagdating sa pag-ibig. “May forever po. Promise, promise!” ang paulit-ulit na sabi ng binata.
At ngayon pa lang ay talagang naghahanda na siya sa panliligaw kay Liza Soberano sa sandaling mag-18 na ang kanyang ka-loveteam.
Ayon sa binata, seryoso siya sa sinabi niya noon na hihintayin niya ang debut ni Liza bago niya ito ligawan, tulad din ng pangako niya sa mga ma-gulang ng young actress.
Liza will turn 18 on Jan. 4, 2016, kaya ilang buwan na lang ang kailangang tiisin ni Enrique at pormal na niyang magagawa ang plano niyang panunuyo kay Liza.
In fairness, talagang kasundo na ni Enrique ang pamilya ni Liza, sa katunayan, “manugang” na raw ang tawag sa kanya ng isang kapamilya ni Liza nang magpunta sila sa US para sa promo ng “Just The Way You Are”.
Anyway, nakatakda nang mag-story conference ang magka-loveteam para sa kanilang follow-up movie matapos tu-mabo ng milyun-milyong piso ang “Just The Way You Are”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.