Baron alipin pa rin ng alak, wa epek ang pagpapagamot | Bandera

Baron alipin pa rin ng alak, wa epek ang pagpapagamot

Cristy Fermin - July 11, 2015 - 02:00 AM

baron geisler

May nagsabi sa amin na ang lumalabas na video ngayon sa internet na pinagpipistahan ng ating mga kababayan tungkol sa pagwawala ni Baron Geisler ay luma na.

Kuha raw ‘yun dalawang taon na ang nakararaan, ngayon lang daw inilabas, kaya naging sentro na naman ng mga usap-usapan ang magaling na aktor.

Pero mahirap panindigang luma na ang video dahil nagsalita na ang mga kababayan nating nakasaksi sa pagtutungayaw ni Baron sa harapan mismo ng bar kamakailan lang.

Galit na galit siya, hinahamon niyang lumabas sa bar ang may-ari at mga bouncers, du’n daw sila magtuos dahil hindi siya pinapasok sa lugar.

Ayon sa pamunuan ng bar ay meron silang sinusunod na alituntunin, hindi na sila nagpapapasok talaga ng mga taong matindi na ang kalasingan, marespeto raw naman nilang kinausap si Baron.

Pero hindi ‘yun nagustuhan ng aktor, parang nainsulto siya, kaya sa labas na ng bar inilabas ni Baron ang matindi niyang sama ng loob.

Ke pinapasok man siya o hindi, ang mas lumulutang na komento ngayon ay ang hindi pa rin pagbabago ni Baron Geisler sa pag-inom, hindi pa rin pala siya tumitigil.

Naglalasing pa rin siya, at kapag nasa ilalim na siya ng ispiritu ng alak, nawawala na siya sa kanyang huwisyo.

Kundi man matanggal ni Baron ang kanyang bisyo ng pag-inom ay mas ma-kagaganda kung gagawin niya na lang ‘yun sa kanilang bahay.

Magwala man siya du’n ay makakaunawa ang kanyang pamilya. Wala siyang ibang tao o lugar na bubulabugin at walang lalabas na video sa internet kung saan siya  ipinakikitang nagwawala na para siyang mangangain ng tao anumang oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending