Susan, Heart takot matawag na epal, dedma muna sa eleksiyon 2016 | Bandera

Susan, Heart takot matawag na epal, dedma muna sa eleksiyon 2016

Ervin Santiago - July 11, 2015 - 02:00 AM

suasn roces

Kahit anong pilit sa Reyna ng Pelikulang Pilipino na magsalita tungkol sa napapabalitang pagtakbo sa 2016 presidential elections ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe ay talagang tipid na tipid ito sa pagbibigay ng reaksiyon.

Sigurado kasing magiging malaking balita kung sakaling maglitanya ang movie queen sa isyung ito, lalo na sa mga taong kumukuwestiyon sa pagkatao ng kanyang anak.

Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ring pinag-uusapan sa loob at labas ng mundo ng showbiz kung ano ang magiging desisyon ni Sen. Grace sa 2016: tatakbo ba o hindi?

Ang latest kasing kumakalat ay sila ni Sen. Chiz Escudero ang magtatambal sa eleksiyon 2016. Ang tsika, si Sen. Grace daw ang tatakbong presidente habang si Chiz ang sasabak sa pagka-bise presidente.

Pero parehong tikom ang bibig ng dalawang senador tungkol sa lumabas na balita. Maging si Ms. Susan Roces ay nananatiling tahimik sa kabila ng mga naglalabasang kuwento-kuwento na masusing pinag-aaralan ng anak niyang senador ang pagpasok sa mas mataas na posisyon.

Nauna nang sinabi ng award-winning veteran actress na may sariling pag-iisip si Sen. Grace at hindi ito basta-basta nagdedesisyon hangga’t hindi ito sure sa kanyang paninindigan.

Naalala pa nga ng original movie queen na bata pa lang, independent minded si Sen. Grace, “Siya nga ang pumili kung saan siya mag-aaral, mula high school hanggang college,” pag-alala ni Ms. Susan bilang patunay kung paano ka-independent minded.

Basta ang masasabi lang daw ni tita Susan, suportado niya ang anak kung anuman ang pasukan ng senador na nangunguna sa lahat ng survey mapa-presidente o bise presidente.

Baka nga talagang destiny ang magdadala kay Sen. Grace para maituloy ang kung anumang hindi nagawa ng kanyang amang si Da King Fernando Poe, Jr..

Nauna na ring sinabi ng mister ni Heart Evangelista na willing siyang maging bise presidente ni Grace. Pero sabi nga ng dalawang senador, wala pa talaga silang nabubuong desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit si Heart ay nagsabi nang wala pang nasasabi sa kanya ang asawa kung ano ang magiging desisyon nito sa 2016.

Pareho ang prinsipyo nina Susan Roces at Heart Evangelista tungkol sa politika: ayaw nilang matawag na epal kaya tahimik na lang muna sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending