Mabubuntis na ba ang live-in partner? | Bandera

Mabubuntis na ba ang live-in partner?

Joseph Greenfield - July 10, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Archie ng San Antonio, Lubao, Pampanga
Dear Sir Greenfield,

May live-in partner po ako at magdadalawang taon na ang aming relasyon. Ang labis ko lang pong ipinagtataka ay kung bakit until now hindi pa rin siya nabubuntis gayong panay-panay naman ang aming pagtatalik. Ang pangako ko kasi sa kanya ay kapag nabuntis na siya ay magpapakasal na kami.
Kailan kaya siya mabubuntis? Itatanong ko na rin po sana kung compatible kaya kami at kami na kaya ang magkakatuluyan? At kapag kami ang nagkatuluyan, magkakaroon kaya kami ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya? February 28, 1979 ang birthday ko at July 7, 1985 naman ang live-in partner ko.

Umaasa,
Archie ng Lubao, Pampanga
Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda ito na malaki ang posibilidad na ang kasalukuyan mong live-in partner ang nakatakda mo ng ngang mapangasawa at makakasama habambuhay.

Cartomancy:

Jack of Hearts, Seven of Hearts at Ace of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maligaya, masagana at panghabambuhay na samahan ang sadyang nakalaan sa inyong magkasintahan, higit lalo sa pagdating ng isang cute at matalinong baby boy sa 2017, sa edad mong 38 at 32 naman ang live-in partner mo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending